MILSIM PHILIPPINES and SFR(A) SOCOM P.A.
Together with
SNAKESKIN’S COMBAT FILES
Presents
RECONDO MILSIM: LRRP
(Long Range Reconnaissance Patrol)
DATE: July 17-18 2010
WHERE: Ben Fe Special Forces School, Fort Mag, Nueva Ecija
WHAT: Airsoft Field Training Exercise (A-FTX)
ENTRANCE FEE: 500.00 (with boodle fight)
FPS LIMIT: 550fps Assault rifles
AFTER ACTION REPORT
Ang paglalathala na ito ay base sa akin at sa aming sariling experience only. Lahat ng nakasaad dito ay totoo at walang halong kasinungalingan o pagbibida-bidahan. Sana ay magustuhan nyo po ulit at sana ay kapulutan nyo din ito ng aral at wastong gabay tungo sa maunlad na pageensayo ng Airsoft FTX. .
CHAPTER I
16 July 2010,Friday
0730hrs
Tandang Sora Base
Idinilat ko na ang mahapdi kong mga mata….
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.. tinatanong tuloy ako ng asawa ko kung bakit alumpihit ako sa kama at parang hirap na hirap matulog.
Pero ang totoo, habang naghihilik ang aking asawa kagabi eh ako naman ay dilat na dilat at palinga linga sa paligid ng aming maliit at madilim na kwarto. Pinapakiramdaman ko ulit ang aktwal na pakiramdam kapag nasa gubat ka, madilim at napapaligiran ng sandamukal na adik na milsimers.. pinadadaloy ko lang ulit sa aking mga sistema ang Milsim mindset.. Buong duration kasi ng Gun ban, hindi na ako naglaro.. nag switch ako sa 4-channel micro rc helicopter as an alternative hobby so nawala ako sa sistema sa Milsim.. nung naglaro kami ng 8-man ko sa Al Padi noong June 26 eh yun ang una kong laro AFTER ng gunban… resulta?
Tulala ako.
Parang di ko maintindihan ang ginagawa ko nun mabagal magrehistro sa utak ko ang nangyayari..
At oo naman, tukod ako sa pagod naka isang scenario game lang ako nun kaya maaga kami nakauwi..
Kaya ako hindi nakatulog ng maayos kagabi.. uber excited ako kasi babalik ulit kami sa Fort Magsaysay Army Camp, kung saan kami nakaranas ng kakaibang FTX nung nakaraang taon. Saka ibinase din daw nila ang Recondo LRRP sa tunay na buhay. Ibig sabihin, kilo-kilometro talaga ang babagtasin nyo at hindi madali ang mga nilulutong scenario..
Susmaryosep… kayanin kaya ng wankata ko yun? Eh gayung heto’t patumpik tumpik ang pagsumpong ng bwakananginangshet na lower back ko? Samahan mo pa ng mahinang tuhod dahil konektado daw ang scolio ko sa mga hita’t binti ko? Idagdag pa ang taba na inani ko nuong pagkatapos ng aking kasal at sa buong duration ng gunban?
Bahala na. at least bago man lang ako igupo nitong karamdaman ko eh masagad ko ng lubus lubusan ang aking pagmi-Milsim at maisabuhay ng lubos ang aking napatid na pangarap nuong ako’y bata pa.
Ang maging sundalo.
Wala akong ginawa simula umaga hanggang hapon kundi ang magkalikot ng aking mga gagamitin sa byahe. Inasembol ko na ang aking ELBV para pagdating doon ay isusuot ko na lang.. isa-isa kong nililista sa aking small pad paper ang mga gears ko para di ako malito at wala akong makalimutan. Pinagbukod-bukod ko na din ng packaging ang mga MRE
na inorder sa akin ng mga players para pagdating dun eh abot na lang ako ng abot sa kanila hindi yung dun pa ako magbububungkal ng MRE’s.
Oo naging organized na ako ng kaunti simula ng maging asawa ko ang dati kong nobya.
Hahaha.
1500hrs
Malapit naaaaaa…!!!
Di na tlga ako mapakali… ok na ang majority sa mga gamit ko, nacharge ko na ang 3 battery para sa digicam na gagamitin ko sa pag dokyu ng Recondo.. sinubukan kong magnakaw ng kaunting tulog para naman hindi ako patae-tae mamya sa byahe at sa kinabukasang event..
“general pakigising ako ng 5:30 ha?” sabi ko kay esmi
“nako tapusin mo muna pagaayos mo dahil tyak magkukumahog ka na naman mamya..”
“eh kaunti na lang naman iaayos ko mamya na yung iba tulog muna ako…”
Sinubukang kong pumikit..
“Hmmmmm…… recondo na bukas…ayus.” Sabi ng utak ko.
Hindi na naman ako nakatulog… tumayo din ako upang balikan ang mga gamit ko na inaayos..
Taina wo….
1830hrs
Dumating na sa bahay ang aking hipag upang sunduin naman si esmi dahil dun sha magi-istay sa hipag ko sa paragon simula mamya hanggang linggo. pagkatapos namin magpaalaman ni esmi ay tinuloy ko na ulit yung pag aayos ng mga gamit ko na inabot ng halos sampung oras ang tagal…
Titit! Titit!
Tumunog ang bulok na selpon.
1 New Message
Read.
From: Ferdzc-DELTA ELITE
p—–na kakatapos lang namin
mag mase mase! Tinulak
namin gulong ng 6×6 frm
fernandez to pahingahan
and back sabay lublolb s
dam! kasama hataw ng
master sgt! benj exempted!
Hahaha! Kanina pa kasing umaga ata dumating ang tropa ni Ferdz dun sa Fort Mag. Ganun naman sila lagi as oranizers, a day before pa lang nasa kampo na sila para plantsahin mabuti ang event. Nagreply pa ako sa text nya na yun pero di ko na matandaan kung ano…
1930hrs
Nagpirito ako ng Wendy’s spicy chicken fillet ( raket ni esmi kung gusto nyo tex nyo ako hehe) at yun ang dinner ko sa gabing iyon bago kami tumulak papuntang Nueva Ecija. Pinainit ko ang tirang kanin na nasa ref..
Hindi ako makakain. May gana ako pero wala akong panlasa, parang hinahalukay ang bituka ko ng isandaang demonyo. Super excited kasi.. pinilit ko na lang ubusin ang aking sosyal na ulam para naman hindi masayang.. pahapyaw hapyaw ako ng silip sa pc dahil naka log in pa din ako sa FAS at sa peysbuk. Hindi ko inakala na ang pasulyap sulyap na yon ay aabutin ako ng alas nuwebe!
Nagdudumali na akong maligo at magbihis dahil nagtex na ang iba sa tropa na nandun na sila sa meeting place namin which is sa McDo Quezon Avenue corner Edsa. Dun kasi dadating ang van namin (yes, van. Sosyal kami ngayon hindi umubra ang jeep ni Mang Nilo eh.) at dun kami magkikita nina Reffneck para sa military convoy este convoy lang pala hehehehe.. di kasi nila alam ang eksaktong daan patungo sa banal na fort Magsaysay eh. Samantalang kami ni cobwebz ay nakapunta na dun although di ko na din mashado kabisado ang daan.
Final check, ok na lahat. Isang duffel bag, isang gunbag at 5 supot ng MRE ang dala ko.
Ok na. lumabas na ako para kumuha ng taxi at ng nakakuha ako ay kinarga ko na ang mga gamit ko then humataw na kami papuntang quezon avenue.
May pitik ata ang metro ni manong ah.
2140hrs
Quezon Avenue, McDonald’s
92.50 ang metro ng taxi.
Nag abot na ako ng 100 at din na ako nagpasukli. Ibinaba ko lahat ng gamit ko at kinamada sa harapan ng McDonald’s. maya maya pa ay lumabas na si Cobs, then sumulpot na din si M03, then maya maya dumating na si M05 at C07, nandun na din si Ban_nelnel ng team Onslaught, kasabay sha sa van nina Raffneck.
Kwentuhan, tuksuhan tawanan ang umubos ng oras namin habang naghihintay sa iba pa.. nag text na din si P01 at sinabing nasa Bocaue Exit na daw sha.. naku, may 30 minutos na ata sha naghihintay dun hahaha! Samantalang kami pakaang kaang pa sa McDo.. maya maya pa dumating na si D02. kumpleto na kami, tinext ko agad sina Raffneck at sinabi ang status namin at hinihintay na namin sila..
2245hrs
Tumulak na ang convoy namin papuntang Fort Magsaysay, Nueva Ecija. Kumpleto na kaming lahat.. well, 6 lang kami tlga na makakapag operate dahil nag back out ang 2 sa 8-man elite team.. pahapyaw hapyaw na briefing sa loob ng van, pinapaliwanag ko sa kanila ang mga do’s and don’t’s sa Milsim FTX. Masaya ang byahe namin. Mabilis. Napick-up na din namin si P01na noo’y panis na ang kaluluwa sa tagal ng kakahintay sa amin. Nag stop over kami sa may Shell para mag “dehydrate” hehe…
Ngayon ko lang naalala, di ko sila nasabihan na mag force hydration a day before the operation.. meaning, Friday night inom n adapt ng at least 1.5-2 liters of water para hindi ma-dehydrate sa araw mismo ng operation. Syet haha sorry mga sir at sa mga newbies na nagtanong sa akin..
Anyway, pagbalik namin sa van, may isinalang si manong driver sa mini dvd player na nasa loob ng van.
Action packed dvd movie.
High morale kaming lahat. Bakbakang umaatikabo pero yung assaulter walang kwenta bumakbak eh… ang kinis nung nagdedefend hahaha!
Di na kami nakatulog sa kahabaan ng byahe. 10 minutes behind sina Raffneck sa amin dahil hinataw ni manong driver ang aming van.. via Sta. Rita na kami dumaan din na kami nag SCTEX.. wala na talagang nakatulog. May ilang nagpilit ipikit ang kanilang mga mata pero wa epek dahil napaka ingay namin sa loob ng van..
CHAPTER II
D-DAY
17 July 2010
0135hrs
Sta. Rosa Market, Nueva Ecija
EYYAAHHOOO!!! Nakarating na kami sa palengke ng Sta.Rosa. kakanan lang kami sa intersection, then dire-direcho na sa loob ng Fort Magsaysay.
Pero bago ang lahat, dahil sa kwentuhang pagkain namin habang bumibyahe ay nagpasya kaming kumain ng mainit na lugaw sa may kanto ng palengke. Swabe ang lugaw. Mainit, masarap saktong sakto sa kumakalam na sikmura namin. Pagkatapos naming kumain ay dumating na din sina Raffneck at nag-lugaw din sila. Kami naman ay nauna ng pumunta sa kampo.
0230hrs
Fort Magsaysay, Palayan City. Nueva Ecija
Isang malaking gate ang nasa harapan namin.. sa likod nito, may lumabas na sundalo at lumapit sa sasakyan namin.. bumaba ako dala dala ang mga pina Xerox na ID namin para magpakilala.
“magandang umaga sir saan po kayo?” tanong ng sentry
“magandang umaga din sir sa Airsoft Simulation po kami sir kay Lt. JD Khe..” sagot ko
“ah kay Lt. Khe po ba? Wait lang po sir i-verify ko lang po sa taas. Kasama nyo din siguro yung mga yun.” Sabay turo sa mga tao na nakatayo at animo’y naghihintay sa tabi.
Binuksan ng sentry ang gate at sinenyasan kami na pumasok.. pagparada namin ay bumaba na ang mga sakay ng van. Nakita ko at nakilala ang mga tao na naghihintay sa may tabi, nakita ko ang mga myembro ng Zodiac at 6MM Boys ng Antipolo. Yung iba di ko nakilala madami kasi sila.. habang nagkukwentuhan ang mga players, tinawag ako ng sentry.
“sir pa-sign na lang po sa logbook..” sabi ng sentry
“ok po sir.” Sabi ko naman.
Tinuro sa akin ng sentry kung saan ako susulat. Tinawag ko ang mga tao ko para papirmahin din sa log book.
“single line boys.” Sabi ko sa kanila para organisado ang pagpirma..
Di ko na matandaan ang format ng logbook. Bsta may name, unit no., vehicle plate number, destination at time of entry and exit.
Ganito ang format ng time of entry: 0230hrs17jul2010
ginaya ko lang yun sa naunang nag log sa akin na hindi ko na maalala kung sino. Pero malamang sundalo din yun or someone na may alam sa military logbook procedure.
Pagkatapos ko ay isa isa ng nagpirmahan ang 8-man Elite.. nasa tabi lang nila ako at tinitingnan ang mga sinulat nila.. may napuna na akong kakaiba sa sinulat ni M03.
Tiningnan ng sentry ang mga ni-log namin.
“sir cellphone number po ang sinulat nung isa nyong kasama..” sabi ni sentry sa akin.
Hahahaha! Si M03, ang sinulat sa time of entry eh yung cellphone number nya!
Nalito siguro kasi: 0230hrs17jul2010
Tapos: 09279753199
Dala na din siguro ng antok at taranta at mejo madilim pa ang sinusulatan namin, kala nya siguro cellphone number ang dapat ilagay.
Natawa din si sir sentry hehehe. Tawanan na din kaming lahat.
“sir pakihintay na lang po sina Lt. Khe..” sabi ng sentry.
Maya maya pa, isang Toyota Fortune ang dumating at bumaba dito ang isang naka Phil. Army woodland BDU, at naka itim na beanie. Si Lt. JD Khe pala.
Kinamayan ko sha at binati nya din ako sa pabirong sisikmuraan ako hehe tapos ay dumirecho na sha papunta sa sentry outpost para ayusin ang aming clearance..
Si Bok Arki ng Special Project Delta ang kasama nya sa Fortuner.. So kamustahan, kwentuhan kami habang naghihintay kung kailan kami papanik. Maya maya pa, nag aya na si Lt. Khe na doon na daw namin ituloy an gaming kwentuhan sa Fernandez Hill, kung saan naroroon ang ibang tropa.
MOUNT UP!
Pagdating ng van namin sa gate ng Ben Fe Village, ipinaprisinta sa amin ni Bok Snakehead (delta elite) ang aming mga pina-photocopy na ID’s para sa clearance.. mahigpit sila sa clearance talaga.. pag hindi ka registered, sorry ka hindi ka makakapasok. Mga ilang minuto din ang lumipas para sa proseso.. may namataan kami sa gilid ng daan na mga totoong sundalo na naka-standby, meron din isang M35 na dumating at ibinaba pa ang mga karagdagang sundalo. Bumaba ako ng behikulo upang maki chismis at nakita ko sa gate si Sgt. Patalinhug, na siyang naatasan na magberipika sa mga ID ng mga players. Ibinigay ko sa kanya an gaming folder. Matapos ma-clear ang aming mga pangalan, tumulak na kami papanik sa Fernandez Hill kung saan nandon ang iba pang tropa..
0318hrs
Roadside Parking near Fernandez Hill
Pumarada na kami sa gilid ng daan kung saan may iba na ding nakaparada..Bumaba kami sa van. Maputik lintek naka tsinelas pa naman ako… muni muni muna kami, kwentuhan then sinabihan ko sila na panik kami sa Fernandez para makita kung sino sino na ang nandun..
“single line!” sabi ko sa kanila.
Madilim ang daan, basa. May dalang flashlight si M05 at si C07. habang nagmamartsa kami nadaanan din namin ang ibang mga players na nakaparada din sa gilid ng kalye. Di ko sila mamukhaan mashado kasi madilim nga.. pagkalagpas namin, kami na lang ang naglalakad. Paputok putok ang mga flashlight namin..
“kill light sir, kill light..” sabi ko sa kanila.
Pinatay ang mga flashlight, at saka namin tinuloy ang paglalakad sa dilim. Walanghiya talga ang dilim sa Fort Mag, di kagaya sa PMA Baguio na saglit lang mag aadapt agad ang mata mo sa dilim pero dito hindi. Madilim talaga.
“Tapping distance sir, hawakan nyo kung sino nasa harapan nyo.” Sabi ko sa kanila.
Hindi sila kumikibo marahil mga nag iisip bakit kami naglalakad sa unknown road (first time kasi nila lakarin) ng walang kailaw ilaw..
“May dahilan sir bakit ko kayo pinaglalakad ng walang ilaw mga sir..” payo ko sa kanila.
Pagilid na ata kami ng pagilid hanggang sa maramdaman ko ang putik sa kaliwang paa ko.
Shet nasa gilid na kami ng kalsada! Hahaha!
Dinirecho namin ulit ang formation, ska itinuloy ang pagmamartsa sa dilim.
Natanaw na namin ang Fernandez Hill. May ilaw sa dalawang palapag na structure, may ilang kotseng nakaparada. Nadinig na namin ang usapan, tawanan.. unti unti kaming iniluwal mula sa kadiliman papunta sa liwanag ng mga ilaw sa Fernandez Hill, nakita din kami ng mga tropa na naka tambay dun.
Nandun ang Delta Elite, sina Lt. Khe, at iba pa. kamayan, kwentuhan, at tawanan. Pinakilala ko sa kanila ang 8-man Elite Team na noo’y mga tahimik at tila ba nakikiramdam sa mga tao na nandun kasi 1st time nila ma-meet ang mga adik sa ftx. Pinakilala ko din sa kanila si Cobwebz na noo’y halos mapaiyak na sa tuwa dahil nakasama din sa wakas sa Recondo. Di kasi sha nakasama sa PMA noon sa kadahilanang kami lang ang nakakaalam hahaha!
Ilang minuto din ang lumipas sa pagkakatambay namin sa Fernandez Hill.. Maya maya pa, bingyan na kami ng order to gear up PERO wag muna dalhin ang mga armas.
Bumaba ulit kami ng walang ilaw. Hmmm nasasanay na ang squad hehe ayos. Para kung sakaling maatasan kami mag night raid, eh di na kami mashadong pakaang-kaang na nangangapa sa dilim. Epektib ang mga natutunan ko sa PMA nung nag milsim kami dun hehe. Pagdating namin sa van, dali dali kaming nagbihis ng aming mga gamit pang giyera-giyerahan. Salampak kami sa putikan.. hhaaaay! Bakit ba hindi pa nagsisimula, eh tagaktak na agad ang pawis? Ganun lagi everytime na mag gi-gear up diba. May umakbay sa akin habang abala ako sa pagpapalit anyo.. si Skinny ng MIISSAF. Hehehe ang tagal na din naming hindi nagkita. Kinuha nya lang ang order nya na 7pcs MRE para sa tropa.
Full battle gear na. weapons secured, pero di pa namin dadalhin.. martsa ulit kami papanik sa Fernandez Hill ng walang ilaw..
Dinig na dinig sa madilim at tahimik na gabi ang mga paghingal namin habang naglalakad paakyat.
Bumigat kasi kami dahil sa aming mga gears kaya nadoble ang effort namin sa pag ahon.
0534hrs
Pagdating ulit namin sa Hill, nagtanggal muna kami ng gears at nagpahinga.. nakita ni Lt. Khe ang aming mga rig.
“sigurado kayo ganyan kayo mamya?” tanong nya na parang nagwo-worry dahil mukang mabigat pa sa mundo ang aming mga gamit..
“yes sir hehehe puro pagkain at tubig lang naman laman nyan.” Sabi namin.
Nilagyan na namin ng tubig mula sa mga water dispenser doon ang aming mga canteens. Tag kakalahati lang para dehin mashadong mabigat.. kaunting kwentuhan pa, then inorderan na kami na dun na maghintay sa bleachers dahil gagamitin daw ang Fernandez Hill mamyang umaga..
Unti unti ng lumiliwanag, natatanaw na namin mula sa aming kinatatayuan ang mga bundok at malawak na lupain. Familiar na sight dahil dun din kami inabutan ng dilim at bukang liwayway nuong nagdaang Heroes of the Great Raid II nung nakaraang taon alongside with my former platoon, MIISSAF Joint Ops Cavite.. naalala ko tuloy nung kami ay nasa shop sa dasmarinas nina rod, cobwebz, at ang buong MIISSAF (kakatapos lang ng HOTGR2 noon) eh habang nanonood kami ng balita noon sa tv, eh pinakita ang Fernandez Hill na ginagamit ng mga amerikanong sundalo para sa pagsasanay ng kanilang mga machine guns, sniper rifles, etc. dun pa mismo sila nakadapa kung saan kami eksaktong naka perimeter nung last HOTGR2 (heroes of the great raid 2). Hiyawan kami!
“ayan! Diyan kame nag milsim! Hahaha!” ang sigawan namin sa loob ng shop. Nakatunganga lang sa amin yung ibang customer doon na noo’y tumitingin tingin lang ng mga pyesang pang ersop. Nagtataka siguro kung bakit kami parang mga bakla na hiyawan ng hiyawan at mga kinikilig.
Anyway, back to story.
Napabuntong hininga ako kasi ang sarap ng pakiramdam habang nakatayo ako at nakatanaw sa area na yun. Maya maya pa ay nagsimula na ulit kami magmartsa pabalik naman dun sa Bleachers/Grandstand malapit sa aming pinaradahan para doon maghintay ng assembly at opening ceremony. Binaybay ulit namin ang kalye pababa, patungo sa Bleachers… kinuha na din namin ang aming mga armas sa van..
0548hrs
Bleachers
Kanya kanya na kami ng pwesto sa mga upuan sa Bleachers. May bubong sha, and malalapad ang upuan malalaki ang baitang. Pero di naman sha ganun kataas, katamtaman lang. medyo maliwanag na din, nandun na din ang mga ibang teams at players. Naghihintay lang kami para sa opening ceremony, kaya tunganga muna kami.. inaantok na din ako pero nagtatalo ang antok ko at nerbyos.. kanya kanyang bulungan ang lahat, tawanan, kwentuhan..
Ang tagal..
Bumaba ako sa bleacher para magmasid masid at mangulit gamit ang aking digicam. Kumukuha ako ng mga maiikling bidyo clips ng mga participants. Nandun na sina Raffneck at ang tropa nya sa Taguig Airsoft Group, ang Delta 309, nandun na din ang MIISSAF, sina Ban_nelnel, AFK, AGL, SPADES Joint Ops at iba pang indibidwal.. nilapitan ko ang isa sa 8-man Elite, si M05 na nakatayo sa gilid ng bleachers at tila hindi mapakali..
“anong masasabi mo?” tanong ko sa kanya sabay tutok ng camera.
(humithit ng sigarilyo)
“well ang masasabi ko lang eh excited na sa
darating na digmaan, ano. Hehehe. Eh yung ah,
team namin ok naman, kung eto man yung magiging
huling mensahe ko…. (pause, hithit ng yosi)
(habang bumubuga ng usok)…ang masasabi ko lang,
ika nga ni idol eh,
Wala yan tol! Ahahahahahaha….!!”
0615hrs
Briefing with our Idols
Marami ng team ang dumating sa bleachers. Nandun na din ang Delta Elite (MilsimPhils), at ang mga kinatawan ng SFR(A) SOCOM P.A. led by Lt. JD Khe. Tumayo na sa harapan namin si LT, at nagsimula na ang major briefing/opening remarks para sa exercise na aming gagawin simula ngayon hanggang kinabukasan. Tahimik ang lahat, naka attention. Pinakikinggan mabuti ang mga sinasabi ng aming mga Idol, ang ating sariling SPECIAL FORCES. And if I may quote what LT said in my video:
Lt. Khe: “This is unlike any other game that you had kase in the
first place, it’s not a game. It’s an exercise. Ok? For us,
(special forces) it’s a military decision-making process.
it’s an exercise also for us, for me, for my mistah. (sabay turo
sa mga kasamahan) on how to employ you, papano kayo
supplayan ng tubig, papano kayo i-coordinate, it’s also a
training for us.”
“That’s why yung mga sundalo na magwi-weekend
dapat ngayon, yung mga makakasama ninyo mamya,
hindi ko pinauwi kasi ako yung admin officer, assistant
Admin officer. Sabi ko “Sargeant, meron tayong mga bisita
tomorrow so we need your expertise.” So sila naman, they’re
not Airsofters. They are Special Forces Instructors. So ang
ine-expect nila since ti-nap ko sila is kung ano yung
standard, they would enforce it.”
Diablong buang. Muntik kong maisuka ang utak ko sa sinabi na yun..
“ ok? So makita nyo yung mga patches nila diyan,
hindi nila basta dinikit yan they have earned it with
sweat and blood, and at risk ng life and limb.”
Parang gusto ko ng umuwi, kumain ng mainit na tinapay saka matulog katabi ni esmi.. pero wala na akong magagawa pa, nandito na kami eh..
Bahala na! tutal, ginusto namin ito so patigasan na lang ng mga bayag at etits!
Sumunod na mag briefing sina Ferdz, isa sa mga alamat of MilsimPhils. Diniscuss ang exercise format, scoring at company divisions ng mga players.. namahagi din sila ng mga “yellow ribbon” para ibuhol sa dulo ng aming mga baril, not for chrono but for SAFETY purposes.. bakit safety? Kasi sa buong Fort Magsaysay lalo na sa area na pagdadausan ng exercise namin, may mga iba ding SF ang mga nagma-maneuver at nagka-conduct ng LIVE FIRE EXERCISES sa mga certain areas. So para safe kami in case na maligaw kami sa area kung san may live fire drill, eh pag nakita sa mga baril namin ang yellow ribbon eh sigurado na friendly kami at hindi kami mapuputukan. Tangina talaga uuwi na akooo!!! Hahahaha!
CHAPTER 3
DOOMSDAY BEGINS
0746hrs
Nalalapit na ang oras ng paghuhukom.. na-divide na kami into companies, kami daw ay Echo company. 8-Man Elite, MIISSAF, Delta 309, TAG, AFK. Yan ang mga teams under our company. Ang Umpire daw namin ay si Arki, and yung evaluator namin di ko pa kilala… kinabit ko na din ang battery ng M4 ko at tinest fire.. sa kabutihang palad, hindi pumutok ang banal na sandata ko.. palyado ang battery ko yari na.. buti pinahiram ako ng lipoly ng Delta 309, kaya ayun good to go na din m4 ko…bakas na sa mga mata ng mga players ang labis na pagka excite at nerbyos. nag ikot ikot muna ako sa bleacher gamit ang aking digicam. Nakaupo si Sir Ferdz at natipuhan ko siyang interbyuhin.
Naririto ang kanyang mga sinabi sa maikling interbyu:
Ako: “Si mister Ferdie Camarao, founder of MilsimPhils. Uh, sir ano
po ang ginagawa natin dito sa Fort Magsaysay?”
Ferdz: “uh, we are here to conduct Milsim Exercises, meaning Military
Simulation, the same as yung ginagawang exercises ng ating men
and women of AFP, the same lang only this time we are using
airsoft as a medium. Yun lang po.”
Ako: “so ano po ang ie-expect ng mga participants natin dito sir?”
Ferdz: “well we’ve been conducting Milsim Exercises for three years now
but Recondo is expected to be the one of the hardest inculminating sa mga milsim namin na ginawa. It will be a full Milsim Exercise talaga, Field Training Exercises (FTX) po talaga and yung realism po is everything na mangyayari po sa real life situation na combat except yung mamatay.
hopefully wala naman ma-injure kasi we are inside Special Forces School
this is the training ground for the best of the best of AFP.”
Ako: “Thank you sir, further questions later sir. Thank you.”
Ferdz: “You’re welcome sir. Welcome to SF School.”
Pagkatapos ng interbyu, niligpit ko ang camera ko at nilapitan ko si Pistolero ng MIISSAF na noo’y nasa harapan ng bleachers sa damuhan..
“sir ikaw na ang company commander ha?” sabi ko kay Pistolero ng MIISSAF.
“hindi sir ikaw na, ikaw na…” sagot naman sa akin.
Di na ako nakaporma pa.. so ako ang naging company commander. Yari ako nyan…
“Echo company form!!!” nag command agad ako sa tropa.
Dali- daling nag formation ang tropa sa harap ng bleachers. Nahati sila sa 4 na row/column. Nakatayo ako sa harapan nila na pilit naguumusli ng malaki kong tyan sa strap ng LBV ko. Badtrip naman o..
“tuntong kanan, tuntong harap mga ser!” sabi ko sa kanila.
“bilang, sir.” Sabi ko sa unahang tao sa unang row.
Nagbilang sila isa isa.. hanggang sa umabot kami ng 30, (including me). Nagpasya ako na hatiin sila sa 2 platoon. 15 dito, 15 doon. 1st and 2nd platoon. Sa 1st platoon ay ang MIISSAF at 3 sa TAG. 2nd platoon ay ang 8-man, AFK at Delta 309. nag set na din kami ng aming sariling passwords. Maya maya pa, nagbigay na ng order na pumanik kami ulit sa Fernandez Hill para sa pagbibigay ng mga Opord (Operation Order). Nagmartsa ulit kami papanik, in full battle gear with weapons patungo sa Fernandez Hill..
0827hrs
Fernandez Hill (again)
Dumating na kami sa hill. Naka formation pa din sa gilid ng kalye ang company ko, madami ng players ang nasa paligid. Mga nakaupo, nakatayo, nagyoyosi, nagtetest fire… mejo sumisikat na din ang araw.. tanaw na tanaw na ang Taklang Damulag, berdeng berde ang paligid… amoy gubat na mamasa-masa.
Pinakalat ko na ang company ko para maka relax sila kung san nila gusto mag relax at umupo sa paligid ng structure ng Fernandez hill. Tawanan, kantyawan at kung anu anu pa ang kumitil sa mga oras namin.. may mga nagpaputok ng live fire sa direksyon ng Taklang Damulag. Maiingay ang putok kasi mga totoong baril ang ginamit. Biglang may nagbago, hindi na pala kami Echo Company. Alpha company na kami at si sir Obravs ang aming Umpire, at si Sgt. Personal (SF Instructor) ang aming SF evaluator. Maya maya pa ay nagtawag na ang command ng mga company commanders, pinalapit kami sa may mesa sa unang palapag ng complex.
“Alpha your mission is to hit Hill 100 before 1000hrs.. go. Move out.”
Isang kakaibang mapa lang ang ibinigay sa amin, at dali dali kaming bumalik ni Obravs sa company upang i-asses ang aming mission at kung saan kami dadaan.. kakaiba ang mapa hindi ito ordinary grid maps na madalas makita natin sa mga big games, at hindi din ito katulad ng grid map na pinrovide nila nung HOTGR2. totoong mapa na ito.
Nahirapan kaming kunin ang bearings namin at orientation ng North east south west.. si C07 ang inatasan ko na pointman, kaakibat si D02 kasi may dala siya na GPS. At maya mya pa ulit, nag move out na ang Alpha Company. Oras na. This is it. Rak en roll.
0852hrs
Hill 100/109
2 lines kami, 1st and 2nd platoon.. malayo din ang nilakad namin.. wala pang senyales na malapit na kami,.. roadside pa din kami, di pa kami sumusuot sa engkantadang gubat ng Fort Mag.. nasa harapan sina sir Obravs at Sgt. Personal. Ako naman ay minsan nasa harap, minsan nasa likod, minsan nasa linya, minsan nakatayo sa gilid ng kalye at isa isang pinalalagpas ang mga tao ko….
May natanaw kami na arko sa harapan namin.
“SPECIAL FORCES SCHOOL”
Parang gate. Ibig sabihin, papasok kami dun?
“hold all units.” Command ko sa kanila. Nag luhuran lahat ng tropa, naka aim lahat sa mga gilid nila both 3 o’clock and 9 o’clock.
Tinawag ako nina umpire at evaluator, ako naman ay dobol time na tumakbo papalapit sa kanila..
“sir direcho lang tayo, follow the road tapos kanan lang tayo pagdating sa kanto.” Sabi ni Sgt. Personal.
“roger that sir.” Sagot ko naman.
“1st platoon move out, follow the road then kanan kayo sa kanto. Go!”
Dali daling tumakbo ang 1st platoon (MIISSAF and TAG), kami naman ay dahang dahang sumunod.. pagkapasok namin sa SF School grounds, marami na kaming nakita na mga sundalo na busing-busy sa kanilang daily works. May naghuhukay, may nagwawalis, may nag pupush ups, may pinaparusahan, etc.. conscious na conscious kame.. lahat sila, napatingin sa amin. Yung iba napatigil sa kanilang mga ginagawa, para bang nakakita sila ng aliens. Yung iba deadma lang tuloy pa din ginagawa pero alam mo na nakatingin sila syo ng tiger look..
“Anakananteteng.. dito ba kami dapat?” sabi ng isip ko na kinakabahan…
Biglang bumalik ang 1st platoon… lumapit sa akin si Boge ng MIISSAF.
“sir pinapagalitan kami dun, di daw tayo pwede dito sir.. ano gagawin namin?” sabi nya na hinihingal…
Nahindutan na. di nga kami pwede dito susmaryosep.
“teka lang sir, hold muna 1st platoon…” sabi ko naman..
Takbo ulit ako pabalik sa aming umpire at evaluator.
“sir, negative daw tayo dito napagalitan po ang 1st platoon..” sabi ko kay Sgt. Personal.
Nag-radio si Sgt. may kinakausap sha.. puro “roger” at “copy” lang ang naintindihan ko dahil napa-praning na ako baka kulatain kami ng mga SF na nakakalat sa paligid namin..
“Sir pabalikin mo dito tayo dumaan sa jungle sa likod..” sabi nya sa akin.
“copy that sir.” Sagot ko naman…
Ni-radiohan ko ang 1st platoon through Delta 309’s VHF radio, naka FRS lang kaming 8-man so wala kaming comms para maka patch sa 1st platoon kundi ang Delta 309 lamang.
Bumalik na ang 1st platoon, at gi-nuide sila ni Sgt. papasok sa jungle sa likod lang ng barracks ng mga SF. Kaming 2nd platoon ay naka standby, nakaluhod pa din sa road side. Ninanamnam naming mabuti ang mga titig sa amin ng mga SF…. Pagkatapos ay sumunod na din kami sa kanila papasok sa gubat… madulas ang binabaybay namin pero hindi pa naman gaano kasukal ang gubat na yon, parang backyard jungle lang.. maya may ay nag hold na naman ang 1st platoon, may nagagalit daw hindi daw kami pwede doon..
Hahahaha! Nakaka 2-points na kami. Isa na lang siguro at bibinggo na kami sa mga SF.
Dali-dali naming hinanap si Sgt. Personal para ipagtanggol kami sa mga SF. Maya maya pa ay mukang um-ok na kaya nakapag proceed na din kami.. madulas pa din, bahagya kaming umahon, then lumusong hanggang sa tumambad sa amin ang kalye na dapat ay dun kami dumaan kanina.. madami pa ding sundalo ang naghuhukay sa paligid. May namataan din kami na ilang mga sundalo na tumatakbo paahon sa kalye na may mga gulong sa ulo.
Pagtawid namin sa kalye, pumasok ulit kami sa gubat. That time, makapal na ang vegetation.. tuloy tuloy lang kami ng lakad.. madulas pa din, makapal na ang mga bushes.. kailangan nang mag ingat sa mga hakbang at baka malasin pa kakaumpisa lang ng Recondo Milsim…biglang naging clearing ang binabagtas namin. Nadaanan namin ang Huey Helicopter na sira, yun ata yung Huey Chopper na isa sa mga scenario.
Hindi ko na namalayan pa ang oras. Naglalakad pa din kami pero that time, paahon na talaga ng bonggang bongga.. hala sige ahon! Madulas pa din ang lupa, maputik.. kailangang humawak sa mga maliliit na puno para maitulak ang sarili sa madulas at maputik na gubat..
Ang sarap.
Tuloy tuloy pa din kami sa paglalakad, paminsan minsan ay nagte-take 2 or 3 kami para makapahinga at makainom ng tubig.. ang ganda ng kagubatan,na-miss ko talaga ang mag Milsim ng ganito.. minamatyagan ko din paminsan minsan ang mga tao ko at kinakamusta sila.. amoy na amoy ang simoy ng kagubatan.. amoy dahon, lupa, putik..
Nag hold kami.. tinawag ako nina Umpire at Evaluator, report daw ako sa command.
Pinahiram sa akin ni sir Obravs ang transmitter ng VHF radio nya, mag report daw ako tinatanong na daw ang coordinates namin..
“Sniper this is Alpha…” tssshhkk…
“what’s ur coordinates Alpha?”
“aaahhhh… stand by sir.”
“C07 come here sir!” sabi ko.
Lumapit sa akin si C07 at inilabas ang mapa. Hinahanap na daw ang coordinates. Tinawag nya din si D02 para sa GPS…
Ilang Segundo din bago na-verify ng aking scouts ang aming exact coordinates.
“N-15 E-121 sir..” sabi sa akin ng scouts ko..
Hiniram ko ulit ang radio ni sir Obravs para i-verify sa command ang aming current position..
“Sniper this is Alpha come in sniper..” sabi ko.
“go ahead Alpha.. tsssshhhhk…”
“current coordinates is N-15, E-121. I repeat N-15, E-121.. do you copy over..”
“tsssshhhhkkk… copy that Alpha.. out.”
Naka hold pa din kami.. mukhang mataas na ang lugar namin. Sabi ni Sgt. Personal, nasa Hill 109 kami, near Cordero Dam. 50 meters away is Hill 100. we got there 30 minutes before 1000hrs. agad kong pina recon kay D02 at sa 2 tao ng Delta 309 ang Hill 100, at i-verify nila sa amin kung ano ang meron don.. mabilis na tumulak pababa sa hill 100 ang mga taong naatasan samantalang kami naman ay nag set up agad ng defensive perimeter sa lugar kung san kami naka tambay…
Ilang minuto pa, bumalik ang isa sa Delta 309 at inireport ang nakita nila.. clear daw, at parang may nakita sila na kalye mga 60 meters away sa position nila.. di daw din nila makita si D02 na napahiwalay sa kanila.. inatasan ko ulit sila na i-recover si D02 at magmatyag sila dun sa position nila for enemy movements sa road..bumaon lang sila dun at wag na wag puputok sakaling may makita sila na company movements.
Lumipas ang ilang minuto, naka perimeter pa din kami.. mejo malilim sa aming pwesto kasi puro puno sa buong paligid, so hindi mashadong tumatagos ang araw sa amin.. napakalaking advantage nun dahil hindi kami madali mag ooverheat, kasi nga hindi kami nakatutok sa araw…
Tahimik ang lugar.. wala kaming naririnig kundi ang mga huni ng mga ibon, mga kulisap, pagaspas ng mga dahon na bahagyang hinahangin, at ang mga kaluskos ng mga gears and equipments ng tropa.. itinuro sa amin ni Sgt. Personal na malapit na daw kami sa Cordero Dam. pag binaba mo ang 12 o’clock ng current position namin, ay dun na yung Dam.. nangamba kami na baka magdatingan ang mga aggresors at matyempuhan kami sa aming posisyon na mejo disadvantage kaya nag pasya kami na magmove out upang lumipat sa mas mataas na lugar, na sakop pa din ng 109/100.
“Alpha move out.. move out..” pabulong na sigaw kong sinabi sa mga naka perimeter sa paligid… pinaradyuhan ko na din ang mga scout na nasa 100 para bumalik na at magre-group sa amin…
Naglakad kami ng mga ilang metro paahon, at dun na kami pumwesto ulit. Yun daw ang high vantage ng 109 near 100. malilim pa din ang lugar at mapuno.. dali dali kaming nag set-up ulit ng defensive perimeter.. pabilog ang perimeter namin, covering all angles para may mata sa lahat ng lugar na maaaring gawing entry point ng mga aggressors…mataas ang position namin so advantage kami sa mg aggressors kung nanaiisin nilang lusubin kami. Hindi namin akalain na dun na kami mapapanis sa aming posisyon.
1028hrs
Ganun pa din ang aming istatus.. naka perimeter, naka antabay.. may mangilan ngilan na nakakatulog na sa kanilang mga pwesto, may iba naman na nagpapalit-palit ng posisyon para mawala ang antok..
1113hrs
Ganun pa din ang aming istatus.. naka perimeter, naka antabay.. may mangilan ngilan na natutulog na sa kanilang mga pwesto, may iba naman na nagpapalit-palit ng posisyon para makapahinga at makakain…
Dinig na dinig namin ang mga malalakas at galit na galit na makina ng mga attack boats mula sa malayo..
HHnnnnnnngggggg..!! wrrrruuuuuuunnnngggggg!!!
Lahat ng tao sa Alpha Company ay natahimik, nakikinig… alam na namin na idedeploy na ang mga aggressors malapit sa amin.. ihinahanda na namin ang aming mga sarili sa kung anu mang maaaaring mangyari..
“mahihirapan sila dito sir.. mataas tayo eh ito na ang pinaka de best na defensive position…” sabi sa akin ni Sgt. Personal..
Sang ayon ako sa aming evaluator, gayun din ang aming umpire.. mahihirapan nga silang pasukin kami dahil dadaaan muna sila sa butas ng karayom bago kami makubkob..
At aba’y uu naman, we will fight till the end di kami makakapayag na makubkob ang aming posisyon…
Habang lumilipas ang oras, nag command na ako na pwede na sila kumain ng mga light snacks nila kung meron silang dala.. may iba din na nagpaalam sa akin na kung pwede daw sila palitan sa kanilang mga defensive perimeters para makakain at makapahinga. Rotation ang mga tao sa Alpha Company.. nag atas na din ako sa 8-man ko na wag iwanan ang pwesto nila, at pinag recon ko si P01 at M05 sa outer rim ng aming posisyon para malaman kung may mga enemy patrols na nagkalat sa ibaba…
“sir light recon lang, iwan nyo na gears nyo baril lang dalhin. Pag na compro kayo, takbo kayo agad dito pabalik.. copy? Go, move out.” Sabi ko sa dalawa..
Pangatlong attack boats na ang nadidinig namin… mukhang marami nang aggressors na idineploy ah…
1215hrs
Tihaya na ako sa tabi ni Sgt. Personal.. hindi ako na-hit, umatake na naman ang likod ko kaya kailangan ko itong ihiga ng diretso… di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagkakahiga na iyon… naalimpungatan lang ako dahil sa mga report ng mga sentry ko about enemy movements… bumangon na ako.
Nagbukas na ako ng mga snacks ng MRE na dala-dala ko, at inalok ko sina Sgt. Personal at Umpire Obravs.. habang masaya kaming kumakain, naglabas ng mini stove si Sgt.
“o kape muna tayo mga sir..” alok nya.
Pero bago pa man masindihan ni Sgt. ang kanyang magarang stove, nagka- komosyon na agad sa mga sentry ko na naka perimeter sa 100!
PAK! PAK! PAK! PAK!
Apat na sunud sunod na putok mula sa ibaba ang narinig namin!
“ tango! Tango! Sigaw ng mga sentry na naka perimeter malapit sa amin.
PAK! PAK! PA-PAK!
BRRRT!! BRRRTT!!
GO GO GO GO!!!
Di ko na matandaan kung pano ako nakatayo at pano ko nadampot ang baril ko, namalayan ko na lang na nakaluhod na ako at nakatutok kung saan sila nakatutok sa ibaba!
“ceasefire!! Friendly to friendly!!”
“Verify!!”
“sir friendly nga.. “ sabi ng isa..
“Check your fires! Ingat sa pagputok baka macompro tayo dito mga sir!” sabi ko..
Mabuti na lang hindi tinamaan yung mga scouts sa ibaba na napagkamalang aggressors. Agad akong nag issue ng order na pumanik sila at magreport sa akin. May report daw na may namataan ang mga scouts na naka assign malapit sa 100, may mga movements daw at pinutukan sila kaya sila gumanti ng putok.. kaso pag atras nila pabalik sa amin, ayun naputukan sila ng mga kakampi namin…
Kumalma din ang paligid.. balik sa normal. Kinamusta ko din ang mga sentry na naka defensive sa malapit sa Cordero Dam.. blocking force kumbaga. Ok naman sila, mga gutom na daw kaya pinarelieve ko sila sa ibang mga tao ng Alpha Company.
Nabitin na ang pagkakape namin…
May intel na dumating sa amin na may magdadala daw ng tubig, so wag daw namin ito puputukan.. friendlies daw ito may password na binigay.. agad ko itong pinag bigay alam sa mga nakakalat na mga tao ng Alpha Company..
Lumipas ang oras… walang tubig na dumating..
1320hrs
“sir move out na tayo dun tayo sa 2nd peak..” sabi ni Sgt.
“Alpha form! Pu-pull out na tayo dito..” sabi ko sa kanila..
Nag form na kami 1st and 2nd platoon.. pinabilang ko na din sila. Kumpleto ang 1st platoon, 15 sila. Ang 2nd platoon, 14 lang ang bilang ng mga naka pila..
“repeat sir..” sabi ko.
14 lang talaga ang 2nd platoon.
“nawawala ang isa mga sir..” sabi ko..
“sir ikaw ata ang pang 15…” sabi ng isa..
“ay oo nga hehehehhee… tinetesting ko lang kayo hehehe..” palusot ko.
Tawanan ang tropa.. ayos yan, sa isip isip ko. High morale pa din kami dahil natatawa pa kami eh.. pag oras na wala nang ngiti na lalabas sa aming mga mukha, eh tiyak na low morale na kami nun talaga… inabot kami halos ng 4 na oras na naka perimeter lang kaya sa tagal ng oras na yun ay may posibilidad na ma low morale talaga ang tropa kaya nagpatawa ako ng konti pero corny naman..
“Move out! Single file!”
Tumulak na kami patungo sa sinasabi ni Sgt. ambilis maglakad ni Sgt.. lagi sha nawawala sa paningin ko.. palusong ang tinatahak namin, napakasukal na ng lugar.. ramdam na din namin ang init ng araw.. mainit ang singaw ng gubat.. paliko-liko ang pagtastas namin sa kagubatan.. paminsan minsan ko pinapauna ang company para macheck ko na ok pa silang lahat.. nakakauhaw na.. kaunti na lang din ang tubig ko sa 2 canteen ko… kailangang tipirin…
Maya-maya ay paahon na ang paglakad namin.. tapos ay lusong na naman, tapos ahon..
Haaaaaahhh….
CHAPTER 4
2nd Peak, Hill 109 Cordero Dam
1333hrs
“Sir hold!” senyas ni Sgt.
“Hold!” senyas ko naman sa kanila na nakatikom ang aking kamao na nakataas.
Lahat kami ay lumuhod.. sa aming harapan, may isang landas na paahon, masukal..
“sir, yung taas na yun yun na yung objective natin.. padala ka ng 2 o 3 tao para i-recon ang area sa taas sir..possible ambush area..” pabulong na sabi sa akin ni Sgt..
“AFK come here…” pabulong kong sabi..
“Sir, possible enemy encampment and ambush area, 50 meters away from us, dun sa itaas na yun. Recon the area, ingat sa booby traps and landmines.. move!” pabulong kong command..
Masigasig na sumunod ang AFK, ingat na ingat at dahan dahan sila umahon papanik sa itaas, habang kami naman ay nakaantabay lang, nagmamasid sa mga paligid namin.. maya maya pa, bumaba na ang isa sa AFK..
“Sir, one tango, appears to be an abandoned campsite,but we have 1 tango seems unarmed..” sabi nya.
Baka civilian. Sumenyas si Sgt. na magproceed na kami..
“ok clear the area, move by twos only.. move. Ingat sa traps..” sabi ko..
Sunud sunod na ang pagpanik ng tropa, dala-dalawa… nagsabi na din ang mga nauna sa itaas na clear na daw yung area, kaya naging at ease na kaming lahat sa pagpanik…
1400hrs
Yahoo. May isang kubo sa itaas, may civilian nga. Pero sundalo yun for sure, na naka civilian lang.. nagkalat na kami sa area nay un, may mga nagtanggal na ng gears at isa na ako dun.. Hold lang kami ditto, rehydrate and chow.
“Sir paki secure nyo ang perimeters ha baka pasukin tayo dito..” sabi ni Umpire Obravs..
“Boys yung mga naka recover na, set perimeter tayo ha?” sbi ko naman sa kanila..
Hay.. matataas ang puno sa area na yun, mejo clearing ng kaunti although mataas pa din ang posisyon namin.. clearing meaning, litaw na litaw kami kung sakaling may mga naka deploy na palang enemy recon scouts dun at nagmamanman…
Pahinga ang iba.. yung iba sa MIISSAF, bumaba dahil may body of water daw dun, mga maghuhugas ata sila.. ang 8-man, naka at ease din.. may mga umiinom ng tubig, may mga nagtatangka na din kumain.. may dumating na isang sundalo mula sa ibaba na may dalang isang gallon ng mineral water.
Yehey!! Kanya kanyang igib na ang tropa.. nakisuyo na din ako kay M03 na pakilagyan ang canteens ko kahit tag kakalahati lang kasi di na ako makayuko.. nagpasya na din ako painitin ang MRE ko na Meatloaf with mushroom gravy, para makain.. si M05 kanina pa pinagtitripan ang mga MRE nya..
At ease ang lahat, may mga kumakain na din.. sa loob ng kubo shelter, may mga kawayan na upuan.. nakaupo na dun sina Obravs at Sgt., at iba pa..
Nakahubad na ako, nakasabit ang gears ko sa nakausli na kawayan mula sa kubo. Napainit ko na ang MRE ko, titirahin ko na lang hehe… biglang nag issue ng command si Sgt. na mag move out na daw kami. Bababa na daw kami sa kalye para sunduin daw ng M35..
Nako, di ko pa nakakain ang Meatloaf ko.. huhuhu..
“Alpha Company listen up! We’ll move out of this area immediately, so gear up! Copy?”
“Copy sir!”
“Gear up na double time!”
Hay. Masamang masama ang loob ko.. di ko pa nabubuksan ang MRE ko, move out na agad.. di pa ata kami umabot ng 20 minutos…hmm ok lang, kainin ko na lang on the way.. nang nakaayos na ang lahat, single file ulit kami na bumaba patungo sa roadside.. as usual, nasa unahan si Sgt. Personal para i-guide kami..
Ang tulin ni sir.. nawala agad sa paningin namin nina Umpire Obravs.. palusong ang daan, mejo maputik.. dense na dense ang paligid.. nagkakandasabit na ang baril ko sa mga maliliit na baging, na noo’y akala ko eh simpleng mga baging lang at siguro ay mawawala na din pag nakalayo na kami..
Mali ako ng inakala. Binabagtas na pala namin ang mundo ng mga baging..
Mainit na, madulas, puro bulok na dahon.. malalim ang tinatahak namin kaya lahat kami ay nag iingat sa paglalakad.. kagat kagat ko ang MRE pouch ko na noo’y balak ko ng buksan at chibugin habang bumababa..
Imposible pala.. sa hirap ng aming dinadaanan kelangan naka pokus kami sa bawa’t hakbang, sa bawa’t hawak sa mga baging at maliliit na puno..
“Sir ingat malalaki ang tinik.” Sabi sa akin ng nasa likod ko sa formation, si CO7.
Kulang 30 minutos na naming binabagtas ang masalimuot, madulas at matarik na trail pababa sa road side kung san kami pipick upin ng M35 military truck patungo sa aming susunod na mission. Puro buhol buhol na baging (vines) ang sumasalubong sa aming bawat hakbang at lusong. May makapal, manipis, malambot, matigas, may matinik, mayroong walang tinik. Halos lahat na ata ng elemento sa gubat eh nasagupa na namin duon sa tinaguriang “Mga Baging ni Kamatayan”.
Nag iinit na ang pakiramdam ko.. kagat kagat ko pa din ang mainit init na main course pouch ng MRE ko na plano ko sana tirahin habang bumababa kami ngunit obvious naman na imposible dahil sa mala impyernong trail.. napakadulas ng mga tuyo at nabubulok na mga dahon na hinaluan pa ng putik mula sa pagkaka-ulan kahapon.. makailang beses ding sumabit ang mga armas naming sa mga baging..haha ang saya saya. Syet..
Malapit ng bumigay ang mga tuhod ko.. nililingon ko ang mga tao ko at sinisiguro na kumpleto pa sila at nasa linya pa silang lahat .. hindi ako makayuko para malagpasan ang mga mabababang baging dahil sa letseng lower back problem ko…
Hhaaaaahhh…. Di ako pwedeng tumukod.. dapat high morale pa din ako para sa company..
Eto na..
Malapit nang lumabas sa bibig ko ang mga salitang karaniwang naririnig sa Milsim..
Habang tinatantiya kong mabuti ang aking gagawing hakbang pababa sa hindot na batuhan, nag-twist ang ankle ko dahil naipit sa pagitan ng bato at nakausling ugat. buti na lang naka combat boots ako kaya di napuruhan… Aaaahhh!!
“OH DIYOS KO! BAKIT BA KAMI NA…….”
wOps! Hindi pa pala napapanahon para sambitin yon.
Nakita na namin ang kalye eh.
Parating na ang sundo namin..
Lahat kami ay nakahinga ng maluwag ng tumambad na sa amin ang kalye sa itaas namin.. naka baon kaming lahat sa bushes habang hinihintay ang M35.. sina Sgt. at Umpire ay nasa road side na… dito ko na binuksan ang MRE ko na kanina ko pa pinanggigigilan.
Meatloaf with mushroom gravy.
Heeeeaaaveennn…. Langit… talap..
Habang nginunguya ko ang biyaya ng panginoon, pinatikim ko sina C07 at iba pa sa 8-Man para masayaran ng pagkaing peke ang kanilang mga sikmura.. nagustuhan nila. Lalo na si M05 na bago mag Recondo ay hinding hindi na daw kakain ng MRE dahil na-trauma daw..
Pero nang natikman ang Meatloaf, nag iba na agad ang kanyang pananaw sa MRE.
Nadidinig na namin ang papalapit na sasakyan.. yon na marahil ang aming hinihintay na sundo.. saglit lang ay tumambad na sa itaas namin ang higanteng M35..
“Snake lahat ba sa company mo nakasakay na sa M35?” tanong ni Obravs.
“Sir ang MIISSAF pa lang nakakasakay..” sabi ko naman.
“sige sir i-demo nyo na lang para sa iba kung paano ang proper mounting.” Sabi ni Umpire.
Lahat kami ay lumabas na at pumanik na sa kalye at pumosisyon sa likod ng trak.
“MIISSAF demo mode tayo paki demo ang proper mounting sa M35. go!” sabi ko.
Matitikas na gumalaw ang Cavite Boys, check tires, clearing all angles.
“Mount!”
Haha marahil siguro sa tagal ng hindi pagma-mount sa M35, nagkalituhan sila sa pagpanik.
“Right column, mount!”
Although hindi yon ang eksaktong standard mil-spec way of mounting, ganun ang napormula naming istyle ng pag mount sa M35. mejo hawig lang ng kaunti.. pagsampa ng MIISSAF sa M35, lahat sila nakatayo, naka firing position sa mga gilid.
Sumunod na pumanik ang iba sa tropa. Mga first time maisampa ang mga paa at katawan sa matarik na M35. punung puno ang trak. 30 katao ang pinagkasya sa loob, nagmistula itong sardinas sa sikip. Yung iba, hindi na maitutok ang kanilang mga armas dahil sa sobrang sikip.. yung iba, naipit na sa gitnang bahagi ng trak at hindi na makakilos. Ako naman ay nagpasya na lamang na sumabit sa pwetan ng trak at humawak na lang akong mabuti..
Secured, umarangkada na ang trak. Sa lahat ng M35 na nasakyan ko sa mga Milsim, never naging mahinahon ang driver nito lalo na pag sa combat scenario.. hataw talaga, walang lubak lubak. Tumatalbog ang mga bata sa loob ng trak hahaha!
Hmmm teka at magti-trip ako. Although wala naming ambush scenario na naka plano para sa amin at wala naman signal at intel sina umpire at Sgt., nagkunwari ako na maambush kami..
Vehicular ambush.
Paparaningin ko ang company hehe since majority sa kanila, mga 1st timers sa FTX at sa M35 lalo na ang 8-Man Elite ko.
“ihanda ang mga sarili!! Ma-aambush tayo! Keep ur heads down!!” sigaw ko sa kanila habang kumakana ng matatalim na kurbada ang trak at lahat sila ay halos magkapalit na ng mga mukha dahil sa sobrang sikip..
“tingin sa kanan at kaliwa!! Pag binakbakan tayo, ibigay nyo ang lahat sa kanila!!”
“Get ready men!!”
Patuloy akong namraning.. lahat sila ay kitang kita sa mga mata ang takot, nerbyos at taranta. Ako naman ay ngising aso at halos dumikit na ang mga kamay sa mga bakal na hawakan ng M35 kasi pag ako ay nakabitaw, malamang CASEVAC (Casualty Evacuation) ang abutin ko..
HHrrrrnnngggg..!!! brrrrrrrnnnggg…..!!
Galit na galit ang makina ng M35. minsan ay bumabagal ang takbo nito, na lalong nagpakaba sa company.
“ayan na!! ihanda ang mga sarili!!!” patuloy kong pananakot sa kanila..
Hataw pa din ang trak.. sa isip ko san kaya kami dadalhin nito? Hindi kaya magkatotoo at maaambush nga kami?
Naku hindot, pag nagkataon, ako ang unang unang mayayari kasi ako ang pinaka exposed sa lahat dahil nakasabit lang ako..
Tang inis… wag naman sana..
May ilang pagkaktaon na nakaramdam ako ng tunay na ambush.. kala ko totoo na..lalo na sa mga lugar na perpek talaga for ambush scenario…
Diyosko pooooo….. sana huminto na kami.. nangingimay na ang mga braso ko…
CHAPTER 5
BANZAI ATTACK
1500hrs
2nd HILL 109
Tumigil bigla ang trak.. itinigil kami sa parang open area, na may mga ilang pananim sa mga gilid ng dirt road.. kaunting bushes, at may hill sa 3 o’clock namin..
Babaan kaming lahat. Nasugatan pa ako dahil sa maling pagbitaw sa trak. NAPAKA INIT!! Tutok na tutok ang araw sa amin, nanibago kaming lahat dahil galing kami sa mga malililim na lugar..
Pulasan ang mga tao sa mga may lilim na lugar, pero halos wala.. ang mga low bushes lang ang nagpo provide ng kaunting lilim, kaya halos lahat ng tao ko ay nag-upuan at nagdapaan sa mga kaunting lilim na binibigay ng mga mabababang bushes…
May ilang gallon din ng mineral water na nakakalat sa road side. Grabe ang init. Tagos hanggang buto namin.. naramdaman ko na low morale na ang tropa..
“Sir, yung itaas na yun ang order sa atin is to assault that area. Hatiin natin ang tao, yung iba, dun sa roadside paakyat, may daan dun,. Yung iba naman, rerekta ng panik dun sa burol…” sabi sa akin ni Sgt.
“okay men! Assault natin yung itaas na yun!” sabi ko sa kanila na mahilo hilo pa…
“Sir pwede ba pahinga muna ng kaunti hindi kakayanin ng tropa sir magba-bog down na lahat…” sabi ng isa na di ko na matandaan…
Narinig ito ni Sgt. kaya’t nagpasya kami na i-hold muna ang assault, irecover muna ang mga tao namin at irecover muna ang mga nawalang lakas bago ang engrandeng assault…
May nakita ako na puno sa paanan ng target na burol.. tinuro ko sa mga tropa na dun kami mag recover dahil mas malaki ang lilim doon.. kinaladkad ko na din ang sarili ko paahon patungo sa puno na yun at ng makarating ako, sumalampak agad ako sa gilid ng rough road sa paanan ng bundok…
Maya maya pa, isa isa na kami natipon doon.. malilim ang lugar, tanaw namin ang itaas ng burol. Kung may tao dun sa outer rim sa itaas, malamang kitang kita na nila kami at dinig na dinig…
ZING! ZING! ZPAKT! ZING ZING ZING!!
Wow! Tama nga hinala ko kita nga kami mula sa itaas! Humahaging sa mga ulo namin ang mga bala na galing sa mga mababait sa itaas ng Hill. Halos pa-dive at padausdos ang talon namin sa ibaba ng road side bank para makaiwas sa mga bala..
Tumahimik din ang lugar.. marahil nag recon fire lang yung mga enemy sentry sa itaas.. safe na ang pwesto namin sa ilalim ng puno sa paanan ng Hill. Dito na kami nag recover ng lakas, ng stamina at ng morale.. nakasalampak lahat ng tao.. mga halatang natunaw sa biglaang init kanina… ang AFK ay dun nakatambay sa kabilang puno, along with Delta 309.. ang MIISSAF at 8-Man ay nandito kami sa isang puno, kabila ng road.. nandun na din si Sgt sa harapan namin… binunot ko ang digicam ko para mag log ng video dokyu..
2 full size company daw ang nasa itaas.. naatasan kami na i-assault ang mga nakabantay sa itaas..
2 versus 1. tantya ko, baka nasa 60-70 katao ang mga nasa itaas. Lagi kami nag eexpect ng mas marami, para mas maingat ang aming pagkilos lalo na sa offensive aspect. Hindi pwede magpatae-tae at tiyak na malilintikan kami…
Pina recon ko sa 2 AFK ang daan sa may road kung saan tutumbukin daw ang isang entrada ng Hill na iyon.. pagbalik nila agad nila inireport na may enemy sentry nga daw sa area na yun, makalagpas ng pader.. makaraan ang ilang minuto, nagpasya na ako ng assault strategy. Inatasan ko ang AFK na magform ng isang squad, at least 8 or 7 na papanik dahan dahan sa area na parang kalye, at babaon lang dun undetected samantalang kami naman ay lulusob direkta paahon sa hill at mang haharass para mabuhos sa amin ang kanilang atensyon. At sa takdang oras, saka lulusob ang AFK mula sa kabilang ibayo para tuluyan ng magupo ang mga aggressors sa itaas..
Ambisyosong plano, pero may posibilidad na umubra. Kailngan na daw namin i-assault ang Hill na yon para makapag admin time na daw kami kasi kami na lang daw ang hinihintay…
“sino ang sasama?” tanong ko sa kanila habang sinusuot ko na ang Sykes mask ko..
“light lang tayo, iwan na ang mga gears. Baril lang para magaan tayo..”
Agad nagprisinta ang 8-man at ang MIISSAF, kahit alam nilang malabo ang magiging pag atake namin mula sa ibaba paahon.. sa harapan kasi namin, ay siguro mga 65 degrees ang anggulo ng pag ahon. Matarik.. Pag nakaahon kami dun, tatambad kami sa outer rim perimeter ng enemies. Bulaga kumbaga.. pero hindi namin gagapangin. Susugod kami ng suicidal. Maingay. Magpapakilala kami para mapunta ang atensyon nila sa amin..
“ano men? Tara na! para makapag admin time na tayo.” Sabi ko..
Nanguna si Pistolero ng MIISSAF na sumampa sa itaas, sumunod na ako at ang iba sa MIISSAF at 8-Man.
Parang kukulimlim na.. nawala na ang araw.. matataas ang damo na kinalalagyan namin..
Nakapwesto na kami, naghihintay na para umahon. Nakapwesto na din ang AFK sa kabilang ibayo, bumabaon na at hinihintay ang mga pagtili namin…
“Putok at baon tayo mga sir.. “ sabi ko sa kanila..
“Ready?”
“LET’S GO!! YAAAAAHHHH!!!”
PAPAPAPAK! FPAK! PAPAK!!
BBRRT!! BRRRTT!!
BURATATATATAT!!
PAPAK! PAK! PAK!
Umalingawngaw na ang mga sandata namin.. habang pumuputok kami, ay sinasabayan namin ng pag advance paahon!
“DAPAAA!!”
Dapaan lahat. Maganda ang cover na binigay sa ami ng mga matataas na damo..Dinig namin ang mga aggressors sa itaas, mga nagsisigawan din, bigayan ng instructions.
Nakuha nami atensyon nila..
“ADVAAAAAANNNCCEE!! FORWAARRD!!”
TATATATAT!
TATAT!!
PAK PAK PAK PAK!
BRRT!! BRRRT!!
Ahon ulit kami! Wala pang putok mula sa mga agresors!
Tadadadadad….tadadadadadad…
Pakpakpakpakppak…
Tatatatat…tatatatat…
Pumutok na sila! Dinig namin mula sa mga pwesto namin ang malalyong tunog ng mga sandata nila…
ZING ZING ZING!! SWZING!
Hayan na!! nilalagpasan na kami ng mga bala nila!
DAPAAAA!!!!
Dapaan lahat! Kitang kita mo ang mga damo na napuputol dahil sa mga bala mula sa mga enemies namin!
Grass cutters!
YAAAAAHHH!!
TATATATAT!!
BRRRRT!! BRRRRT!!
Gumaganti na kami ng putok, habang ang iba sa MIISSAF umaadvance na ng mas malapit sa itaas!
HIT HIT HIT!!
May mga tinamaan na din sa amin.. nagpukol ng Smoke flare ang mga enemies sa itaas.. sigawan dito, sigawan doon.. naubusan na ako ng bala.. sa katangahan ko, isang mag lang ang nadala ko.. makulimlim na.. mejo malamig na din ang hangin.. pero di na namin yun napapansin mashado…
Shet! Wala na akong bala.. hindi ako makatayo o makaluhod sa posisyon ko dahil gumuguhit ang bala sa ibabaw ng ulunan ko… pagtingin ko sa likuran ko, mataas na pala kami,.. tanaw ko sina Sgt. at iba pa sa ibaba namin, maliliit na sila dahil sa taas ng pwesto namin.. isa isa ko din nakikita na sumusugod na papanik ang iba sa mga tao ko na nung una ay ayaw sumama pero dahil siguro sa nakitang aksyon eh nabuhayan ang loob nila para sumugod!
Hindi ko makakalimutan ang scene na yon. Grabe. Parang pelikula. Ang ganda pa ng backdrop namin kasi mataas kami, gray dark skies, green fields below..
Nasa kaliwa ko pala si M03 na noon ay na-hit na pala..
“Sir may magasin ka pa?” tanong ko.
“Meron sir eto,,”
Pinahiram nya sa akin ang mag nya. Dali dali akong nagload!
HAH!
May bala na ako!!!
NYAAAAHHHH!!
TATATAT!! TATATAT!! TATATATAT!!
ADVAAAAANNNCEEE!!!
Pakshet! Halos bumaon ang muka ko sa putikan dahil sa pag iwas sa bala ng Grass Cutter gunner nila sa itaas!
Wala na naman akong bala.. naka 2 magasin na ako na nahiram kay M03..
Maya maya, habang nakabaon lang kami dumating si D02 mula sa ibaba!
“sino may kailangan ng bala??” tanong nya.
“Ako sir!!”
“ako din sir!!” sabi ni C07 na nasa kanan ko na wala na din bala!
Hinagisan ako ni D02 ng isang small green capsule type container na may lamang bbs! Good enough para makapag fill ng ¼ sa magasin!
HAAH!
MAY BALA NA AKO!!
TATATAT!! TATATATAT! TATATATATAT!
Binabakbakan ko ang lokasyon kung saan nanggagaling ang Grass Cutter.. may umamin sa kanila di ko lang alam kung ako ang nakadale.. hindi yun importante, ang importante eh nababawasan ang pwersa nila!
BABABABABABABAM!
TADADADAD! TADADADAD!!
SA KABILA! SA KABILA!!
Sigawan ang mga enemies. Nasukol nila ang posisyon ng AFK sa kabila!
TADADADAD! PAK PAK PAK PAK!
Hit hit hit!
Hit hit!
Nanahimik ang bakbakan sa kabilang dulo.. sa far right ko sa itaas, nauubos na din ang MIISSAF.. mangilan ngilan na lang ang nakakaganti sa amin…
ZING ZING ZING ZING!!
Hagingan ang mga bala sa ulunan ko!
POK!
Sapul ako sa helmet..
HIT!!
Tapos na ang aksyon para sa akin sa mga sandaling iyon. Haaaay… pahinga na.
Iniwan na namin ang mga comrades namin na patuloy pa din nakikipagbakbakan.. lumusong na kami pababa, pabalik sa puno kung san kami nanggaling.. makulimlim na, kumukulog na.. senyales ng isang napakalakas na ulan.
Pagdating sa ibaba, tumambay na lang kami dun, nagkill time at hinintay magbabaan ang mga iba na galing sa itaas.. nasa ibaba na din ang AFK ang mga naatasan na mag surprise attack dun sa kabilang ibayo. Tawanan lahat, kaunting AAR kung ano nangyari, etc… may mga kaunting putukan pa sa itaas.. may natitira pa pala sa amin doon at nakadale pa ng ilang enemy sentries..
May pumatak na sa kamay ko. Umaambon na.. mahina pa lang naman pero kita mo na sa langit ang mga gumuguhit na patak.. naglabasan na ng mga baon na poncho ang iba. Yung iba ay itinaklob sa mga gamit na nasa lupa, yung iba ay isinuot na.. humahangin na din. Mukhang malakas ang babagsak sa amin, ah..
1630hrs
Ibinuhos na ng langit ang kanyang mga luha.. Malakas, may kasamang hangin.. parang bagyo. Wala na kaming nagawa kundi ang maglunoy sa lakas ng ulan.. basa na kung basa. Hiyawan lahat, mga tuwang tuwa.. napakasarap ng buhos ng ulan, tanggal agad ang mga pagod namin.. naka helmet pa din ako para hindi mabasa ang ulo ko, para walang sakit ng ulo mamya pagkatapos.. sobrang lakas ng ulan. Less than 12 meters na lang ang visibility. Rumaragasa na agad ang mga tubig sa lupa..basang basa na din ang lower camo ko, pati brief at boxers ko.. naka secured na lahat sa Ziplocs ang aming mga electronics like cellphones, radios, camera, wallet at pera.
Dumating na si Sgt.. naka poncho. Nilapitan ko sha at nagtanong kung ano na gagawin namin..
“Sir hindi tayo masusundo ng 6×6, di din tayo pwede mag attack boat delikado daw sa ganitong kalakas na ulan eh.. ok lang sa inyo mag patrol?” sabi nya.
“ok lang sir mas gusto nga namin yun!” tuwang tuwa kong sabi.
Tatahakin namin ang maputik at maulan na kalsada patungo sa Pahingahan Dam kung saan nandun na din daw yung iba. Kumpleto na kaming lahat, naka single file, handa ng maglakad.. ibinuhos pa ng langit ang pinakamatinding ulan direkta sa lugar namin..
Grabe. Sana ngayon pala kami nag assault papanik sa itaas.. sayang!
“let’s move out!”
Umpisa na ng lakad.. lakad na hindi namin inakala na halos isusumpa pala namin.. kala namin, malapit na lang kami sa Pahingahan..
Dehins pa pala….
Habang nagmamartsa kami, napakaganda ng tanawin na aming nakikita.. maberde, maputik, taas baba.. ang ganda.. sarap magmaneuver nito. High morale pa din ang company kahit basang basa.. tagos na sa mga boots namin ang tubig.. rumaragasa ang animo’y tubig baha sa lupa..
Lakad pa din kami.. may mga nadaanan kami na bahagyang kumukurba ang daan, umaahon, lumulusong.. tila binabagtas ulit namin ang dinaanan ng M35 namin kanina..
Napakalayo.. we there yet? Haha.
TATATATATATATATATATATAT!
Pumutok ang baril ko na hindi ko kinakalabit!
Lumuhod agad ako at dagliang binunot ang battery sa terminal nito. Tumigil ang pagputok..
Pinasok ng tubig ang gearbox, direkta sa electronics. Ayun, grounded.
Lakad pa din…
May naglabas ng SLR camera sa gitna ng napakalakas na ulan!
Ah eh di ano pa nga ba, eh di kodakan moments sa gitna ng malakas na ulan!
“Sir di ba masisira yan?” tanong ko sa kanya
“hindi siguro sir dumaan na sa Ondoy to eh..” sabi naman nya.
Nagpatuloy ang kodakan sa gitna ng ulan.
“Kodakan sa Ulan.”
1730hrs
Naglalakad pa din kami.. sa mga oras na yon, bahagyang umampat na ang pag ulan.. ambon ambon na lang. baha na sa mga dinadaanan namin… isang oras na kami naglalakad sa dirt road.. napakalayo pala?
Layo layo na ang distansya ng tropa pero single file pa din… may mga namumulikat na sa amin at naghohold kami pansamantala pag may mga ganoong pangyayari…
Clearing na ang nilalakaran namin.. nasa gilid namin ang MRF (Material Recovery Facility) senyales na malapit na kami sa aspaltadong daan.. biglang umingay ang paligid.. parang may mga higanteng speakers na kadalasang makikita sa mga engrandeng concert. Hindi ko mai-type ang tunog na nadidinig namin.. parang nagva-vibrate ang tunog..
Maingay. Nakakatakot..
Mga Bullfrogs pala. Tinuro sa akin ni C07 ang mga Bullfrogs na nasa tubigan sa gilid ng kalye..
Aaah.. mating call daw yun.
Astig.
Dumating kami sa kanto ng aspaltadong kalye, saka kami kumaliwa.. lakad pa din.. umaambon na lang wala ng ulan.. basang basa pa din kami, bumigat ng 50% ang gears at damit namin…
Namimintig na ang mga hita ko. Puro paahon kami, di naman gaano matarik pero mahahabang ahon.. ganito ang naramdaman ko nuong SALAKNIB sa PMA Baguio nung nakaraang disyembre.. namimintig hanggang sa tuluyan nang manigas.. nakupo wag naman sana akong pulikatin…
Lakad pa din.. narating ulit namin ang gate ng Ben Fe Village, pero that time kumaliwa kami paahon, papuntang Pahingahan. Malapit na din kami sa wakas…
Nakarating na din kami sa Pahingahan Dam. ditto din yung Assembly Area noong nkaraang HOTGTR2. may parang covered hall tapos may steps pababa sa mini pier sa dam na parang floating kubo/balsa.. nandun na din ang ibang company. Tumambay agad kami sa may gilid ng Hall, sa mga hagdan.. yung iba ay naupo agad, nagpahinga.. tinanggal ko na din ang Diablo sa bigat na elbv ko at helmet at armas at inilapag sa wash-out pebbled steps. Tanaw namin ang malawak na dam sa ibaba.. napakaganda.. maya maya pa, nagdatingan na via Attack Boats ang mga iba pang company..
Kakainggit…
Parang umiislalom pa nga ang mga attack boats.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa gutom, pagod at antok.. nagpasya na kaming kumain ng MRE namin.. naka 2 main menu ata ako dahil sa tindi ng gutom. Kelangang manumbalik ang mga lakas namin…
Pagkatapos magkainan, yosi yosi muna kami at nakipagkwentuhan sa ilang sundalo na naroroon din.. then may dumating na order na mag pull out daw kami sa Pahingahan, hindi daw kasi kami allowed dun kumbaga nakisuyo lang sila para makatambay kami panandalian…
“o men gear up ulit, move out na daw tayo…” nanlulumo kong sinabi.
Matapos namin irecover ang mga yagbols at katinuan namin, nagform ulit kami sa harap ng hall… mga pagod na. wala daw kami sundo M35.. may order sa amin na sa bleachers na daw kami dumirecho, yung bleachers kung saan kami nag opening ceremony kaninang umaga..
Nagpasya na kami lumakad.. lakad na naman? Haha kaya nga LRRP eh..Longer Range Reconnaissance Padyak ng mga paa..
Bitbit ang sirang M4 at mabigat na elbv at babad na paa sa basang boots, tumulak ulit kami pababa.. pagdating ulit sa nagbibiyak na kalye, kumaliwa naman kami dun sa may gate ng Ben Fe Village na arko.. nandun na din pala ang aming evaluator, si Sarhento..
Natipon kami dun sa kanto na yun.
“Sir papara na lang ako pag may dumaang M35, malayo kasi yung bleachers simula dito..” sabi ni sgt.
Yahu! Nabuhayan na naman ang tropa. Ilang minuto din kami nakatayo don sa kanto na iyon.. bahagyang umaambon, at mejo padilim na..ramdam ko na din ang mga kagat ng Jurassic na lamok.. nag iingay pa din ang mga horny na bullfrogs sa malayo..maya maya pa, may dumating na M35. sakto pinara ito ni sarge at kinausap, at pagkatapos ay nagsabi na sila na pwede na kami magmount.. itinabi muna ng driver ng m35 ang kanyang behikulo para maka mount kami ng maayos at hindi sagabal sa daan..
Nakasabit na naman ako….
Humahataw sa kamay ko at braso ang mga sanga ng maliliit na puno dahil sa tulin ng takbo ng M35. haha di na din ako nanakot ng ambush dahil sigurado wala na maniniwala sa akin.. malayo layo din pala simula sa gate ng Ben Fe kung nagkataon na naglakad kami malamang namatay na ako nun…
CHAPTER 6
Bleachers TPB
1820hrs
Ayun na yung bleachers. Ayun na din yung mga sasakyan namin na nakaparada sa gilid ng kalye….
“dismount!” bumaba na kami ng m35..
“Sir dun lang tayo sa bleachers wag lang po sana pakalat-kalat..” sabi ni sgt.
“Copy sir!” sagot ko naman…
May ibang nagpunta agad sa bleachers, yung iba naman dumirecho sa mga oto nila para magpalit, kumuha ng tubig o kung anuman..
“Alpha balik lang tayo agad sa bleachers wag lang tayo pakalat-kalat ha?” paulit ulit kong pagre-remind sa kanila..
Haaay.. padilim na din.. bigat na bigat ang katawan ko sa pagsampa sa mga baitang ng bleachers.. ibinilabagbag ko na lang ang vest ko at helmet sa baitang.. malalapad ang bawa’t baitang ay halos kasing lapad ng single sized bed, mejo liitan mo lang ng ilang pulgada.. sa likod ng covered bleachers, ay masukal na gubat na.. sa kaliwang gilid naman ay masukal na gubat na din.. sa harapan ay malawak na flats na damuhan na may maliit na puno sa gitna.. tapos nun ay kalye na, palusong sa kaliwa, paahon ng bahagya sa kanan.. sa kanang bahagi naman ng bleachers ay gubat din.
Madilim na.. may mga nagbubukas na ng tac lights.. di namin alam kung hanggang anong oras kami don, basta ang sabi sa amin ay dun muna daw kami tumambay… hinubad ko na ang lower at upper bdu ko at isinampay, pati na ang basang shemagh ko.hinubad ko na din ang combat boots ko at umalingasaw agad ang masangsang na amoy dulot ng nababad na paa at medyas..
Eeeewww……
Langit. Laking ginhawa ng pakiramdam ko kasi naka boxers na lang ako at brief. Pero basa pa din.. madilim na. dahil sa walang kasiguruhan ang istatus namin, may ilan sa mga tropa ang nahiga na at umidlip, may iba na pabulong na nagkkwentuhan, may ilan na mga naka tulala lang sa dilim, at may iba na nagkukulitan ng pabulong..
Nakaupo lang ako.. nagpahid na din ako ng Off Lotion na nahingi ko kay M03 kasi nasa van yung sa akin.. si C07 naman ay bumalik na mula sa van, naka civilian na.. si D02 ay naka civilian na din, pati si M05 at P01. kami na lang ni M03 ang hindi naka civilian..
1900hrs
Tulala pa din ako sa dilim, katabi ko sa C07 na noo’y nakikipag kwentuhan sa iba… nagpasya na akong magpalit ng brief. Kinuha ko mula sa aking buttpouch ang tuyo kong brief at extra t-shirt na nakasecure sa Ziploc, at dali dali akong nagpalit… sinampay ko na din ang basa kong boxers at brief baka sakaling matuyo hanggang kinabukasan kahit alam kong malabo iyong mangyari… umupo ulit ako at nagpatuloy sa pagtunganga… nandon na din ang MIISSAF na mga naka full gear pa din, ready for deployment any time na i-atas sa kanila..
Dumating sina Ferdz at Arki ng Delta. Tumayo sa harap ng bleachers at hinanap ako. Kahit madilim na, mejo aninag ko pa din sila..
“Snakeskin?” tanong ni Ferdz
“Yes sir..” sagot ko naman sabay tutok ng ilaw sa akin ni C07 mula sa kanyang Petzl Headlamp..lumiwanag ang aking mga legs.
“Musta morale ng tropa?”
“High morale pa din sir!” sagot ko ng matikas ngunit may bahid ng pagaalinlangan..
“Good. This will be your TPB for tonight so set up kayo ng perimeter dito. By 2100hrs, gear up kayo sir baka magkabirahan although small unit tactics lang..” sabi nya.
“Copy sir..” sagot ko.
“Everybody had chow? Naka hydrate na?” tanong nya..
“Yes sir..” sagot ko naman..
May mga ibinilin pa sila ngunit di ko na matandaan hanggang sa tuluyan na silang naglaho sa kadiliman… walang kumikibo sa tropa, nagpapakiramdaman.. may 2 oras pa kami para makapahinga bago mag gear up kung sakaling matuloy nga ang raid sa amin mamaya.
Lumipas pa ang mga sandali, inaantok na ako.. malamok na din nadidinig ko ang mga lipad nila sa mga tenga ko.. binilinan ko na din ang company na maging alerto lalo na yung mga gising pa… naghahanap na ako ng mahihigaan.. sina C07, M03, M05 at P01 ay nakapwesto na ng higa.. kami naman ni D02 ay naghahanap pa ng pwesto. Di kasi basta bsta pwede humiga dahil madaming ipot ng ibon sa mga baitang. Nakakita ako ng pwesto! Sa tabi ni P01, sa pinaka taas na bahagi ng bleacher. Inayos lang namin ni D02 ang mga gamit, then pumwesto na ako ng higa, ganun din si D02 na sa ulunan ko nakapwesto…
Aaaaaahhhhh… sarap ng nakalapat ang likod sa direchong higaan.. da best….
Wala pa din signal ang cellphone ko.. nagwawala na sigurado ang asawa ko dahil hindi ako nagpaparamdam.. oh well.. eh sa walang signal eh…
Sari-sari na ang mga tunog at pangyayari sa bleachers.. may naghihilik, may kumakaluskos, may umuusok, may umuubo, may bulungan, mag lumalangitngit na kahoy.. pero mas lamang ang symphony ng mga naghihilik.. di ko na din namalayan na nakatulog na pala ako… sa bigat ng mga mata ko, napapikit na ako at maya maya pa’y sumabay na din sa ritmo ng mga naghihilik..
Walang pinaglayo ang tunog ng mga hilik namin sa tunog ng mga bullfrogs na nagme-mate kanina sa dinaanan namin..hahahaha!
Ilang beses ako naalimpungatan, tahimik naman sa perimeter namin.. sa nanlalabo kong paningin, pilit kong inaaninag sa kadiliman ang mga tao sa Alpha company pero wala akong makita sanhi na din siguro ng matinding antok at pagod… makailang beses din akong nagigising dahil sa lamig na nanunuot sa mga kalamnan kong nabugbog sa tindi ng pagmamaneuver…
Ngayon naniniwala na ako sa Climate Change or Global Warming.. kasi nung nakaraang taon, 2009, July (HOTGR2) eh hindi naman ganito kalamig nuon.. umulan din noon ng banding alas 11 ata ng gabi, di naman lumamig ng ganito.. eh pero shempre, iba pa din ang tindi ng lamig sa kagubatan ng PMA Baguio kumpara dito. Pero malamig talaga.. tagos sa pwet kong naka exposed saka sa likod ko dahil manipis lang yung ukay-ukay army t-shirt ko…
Paksyet.. gumising na ako talaga dahil sa lamig.. nagsindi ako ng sigarilyo para makontra naman ang nanunuot na lamig.. wala na si P01 sa tabi ko, nandun na sha katabi ni M05. bakit kaya nawala? Naku, nayapos ko ata dahil sa ginaw hahaha! Nag alala lang siguro yung tao kaya lumayo sa aking matitipunong mga hita at baraso. Jejejeje.
0115hrs
Dahan dahan akong lumuhod, saka tuluyang tumayo.. pinakikiramdaman ko ang estado ng aking marupok na spinal cord.. ok pa naman, still operating at 80% capacity. Di kasi pwedeng umatake ang scolio ko kasi naalala ko ang warning ni esmi na:
“Pag ang likod mo sumakit na naman, hindi ka na makakapaglaro ng mga ganyan!”
……………..
Dehin sasakit to. Matatapos ko itong Recondo ng normal ako.
Ika nga ng mga matitino sa Delta Elite nung naghihingalo na kaming umaahon sa kagubatan ng PMA Baguio:
“Walang aayaw! Think pasitib!”
Humiga ulit ako at iniunat ulit ang likod ko, nagsisiguro..Gising na si MO5.. nagkakalkal ng kanyang MRE.. nakita ko ang Shemagh na pinanlatag nya kanina. Mahiram nga..
“Sir pahiram naman nyan…” pagmamakaawa ko sa kanya..
Pinahiram sa akin ang Shemagh, at ikinumot ko agad sa hubad kong mga binti.. haaaayyy.. talap. Para akong nakakumot.. guminhawa ng bahagya ang giniginaw kong pagkatao.. gising na din si M03 at D02. nakatulala, bulungan..
Tumayo na din ako at nakiusyoso sa MRE na kinakalkal ni M05. nagbukas na din ako ng MRE ko.. sa liwanag ng Petzl lamp na kulay pula ni C07, nakikita namin ang mga kauulang ginagawa namin.. gising na din si C07 at P01. gising na ang mga ulupong. Naglabas na din sila ng mga MRE nila..Namalayan na lang namin na nag “mi-midnight snack” na pala kami. Boodle fight ng MRE’s.
Yun ang mga scenario na gustong gusto ko sa mga FTX/Milsims. Yung mga alanganing oras, madilim, malamok, malamig tapos nasa lugar ka na hindi mo teritoryo, magubat, masukal.. tapos nasa tabi mo ang armas at gears mo..tapos ang mga kasama mo ay mga ka-buddy mo at ka-team mates.. sarap ng mga ganun, bonding time. Buhay na buhay ang dugo ko pag ganun. Kasi hindi yun nangyayari araw araw, o kada weekend. Minsan lang… kaya lubus lubusin dapat ang bawa’t segundo ng minsan na iyon, para pagtanda mo ay may mga alaaala ka na pwede mong balik-balikan hanggang sa maratay ka na sa banig ng karamdaman..
Uuuy emo..
Lumipas ang 2100hrs kanina, wala naman nag raid sa amin ah? Bakit kaya? Ayos yun.
Kasi pag kami inatake at binakbakan, tiyak utas kami pare pareho dahil abalang abala kami sa paglamon, ang ibang tao sa Alpha ay tulog o kaya’y wala sa mga sarili. May ilang naka perimeter, natatanaw ko ang mga hugis ng katawan nila sa mga bushes. Kwentuhan, tawanan, sigarilyo, at kung anu ano pa ang kumitil sa mga oras namin.. pagkatapos namin mabusog ipunin ang mga kalat namin, pwesto na ulit.
Men Set perimeter!
Hindi sa labas ha, kundi dito sa loob ng bleachers. Tulog na ulit! Wala ng re-raid sa amin nyan bahala na kung ano mangyari, basta nanjan naman ang Alpha company na armado pa din ng kanilang mga sandata, tibay at lakas ng loob na hindi umaayaw!
0345hrs
“a-ano ito…?” tanong ng isip ko na hilong hilo dahil naalimpungatan ako…
Mainit, malambot.. saktong sakto sa mukha ko to pampainit.. lika dito…niyapos ko ito at isiniksik sa mukha ko na animo’y stuffed toy na nabili sa Blue Magic.
“Uy…paa ko yan ser…” may nagsalita na parang nagising at dahan dahang inilayo ang paa sa mukha ko..
Maderpacker.. paa pala ni D02.. mabuti’t hindi ako tinadyakan..
Tuloy pa din ang pagtulog.. nagba-vibrate daw ang mga kahoy dahil sa mga hilik namin…nakadapa, titihaya, tatagilid, dadapa.. sari-saring posisyon na kami.. nakakumot pa din sa akin ang Shemagh ni M05… basang basa pa kasi ang Shemagh ko dahil sa matinding ulan kaninang hapon.. parang may surot pa sa mga wooden planks ng bleachers.. Makati na pwet ko eh..
Di na namin nalamayan ang oras.. nakatulog kami ng maayos at mahaba, enough na para marecover namin ang galung galong pawis at mantika na natunaw sa amin..
CHAPTER 7
Hubad na Almusal
Bleachers Raid, Bleachers
0430hrs
“GEAR UP!!”
Isang matikas na boses ang umalingawngaw sa paligid namin.. nagising kami. Dumating ang mga Umpires ng Delta na sina K9tech at Arki.. bumangon na kami na pupungas pungas pa.. madilim pa din pero aninag mo na sila, yung dilim na humahalo na ang kaunting liwanag, yung dilim-liwanag na karaniwan na nangyayari sa mga VIP rooms ng mga KTV bar.
“Sir, by 0530hrs papasukin tayo dito so gear up na, set perimeter tayo..” sabi ng Umpire na di ko na matandaan..
Ako naman e itinapis na lang ang shemagh na nagsilbing kumot at sinuot ko na lang helmet ko at ballistic shades at nagsindi na ng sigarilyo..ayoko na magboots pa, tunaw na ang paa ko eh. Ayoko na din mag pantaloon, wala na akong oras.. gamit ko lang ang sinelas na dinekwat ko kay M05. nakita ko ang AFK sa ibaba na noo’y nagsusuot na ng boots at nag gi-gear up na..
“Sir, pagkatapos nyo set agad kayo kahit 2-man scout dun sa roadside ha..” sabi ko sa kanila..
Napag alaman din namin sa gitna ng taranta at komosyon, na 2 company daw ang susugod sa amin.. manggagaling daw sa roadside, sa kaliwang bahagi namin..watak watak kami. Di ko makita ang ilan sa MIISSAF. Nag gear up na din sina C07, M03 at MO5. ganun din sina P01 na naka civilian pa at si D02 ay naka poncho.. wala akong baril, gun down ako. Bahala na. madami naman sila na may mga armas eh..
Pakalat kalat ako sa ibaba ng bleachers, giving orders, smoking my 3rd cigarette.. 2 company daw, Bravo and Charlie.. susmaryosep, kulang 60 katao siguro yun!
Dumating si Skinny ng MIISAF, lumapit sa akin..
“Sir, posisyon kami dun sa roadside sa kabila for ambush?” tanong nya..
“sige sir set tayo ng passwords natin..” sabi ko naman.,,
Pinaliwanag ko din kung gaano kalakas at kadami ang susugod sa amin.. nag set na din kami ng aming mga passwords..
Bahagyang nanahimik sa paligid namin,, nakaupo na sa bleachers sina Umpire K9tech at Umpire Arki, at nandoon na din si Sgt. Personal. Inabutan ako ni sir K9 ng mga explosives at smoke flares.
“Sir eto baka kailanganin nyo gamitin nyo na..”
“thanks sir..”
2 smoke flare, 2 baby whistle bombs. Ok na to.
“Sir..” si P01 lumapit sa akin..
“request permission to patrol the roadside kunwari civilian ako, para makita lang kung ilan sila..” sabi nya sa akin..
“sige sir ingat ka lang, balik ka agad dito baka madale ka diyan..” sabi ko naman..
Naka perimeter pa din ang Alpha company.. sa roadside sa kaliwa as observers ang AFK. Across the road, MIISSAF ambush set up.. sa loob ng jungle treelines sa kaliwang bahagi ng bleachers, ilan sa Delta 309, TAG at si M05 at C07 bilang blocking force. Sa Bleachers, ako, si Delta_tiger na noo’y naka civilian na din, si Delta_Striker na noo’y nakita ko na may hawak ng armas, lalaban na din to death kahit hindi na kaya ng katawan, D02, M03 at si P01 na humahangos na bumalik sa mula sa pagpapatrol ng unarmed.
“Sir, ang dami nila! Nandun sa road sa ibaba mga 60 meter na lang ang lapit sa atin, pumasok na sa jungle!” sabi nya.
“:Get ready men!”
0530hrs
putok na ang liwanag…
PAPAPAAPK!! PAK! PAK!
TATATAT! TATATAT!
BRRRRT!BRRRRRRT!
TADADADADADADAD!!!
Heto na.
Bakbakang umaatikabo na sa loob ng jungle at dulo ng road.. takbuhan, sigawan, putukan! Bumabakbak na din ang mga tao sa itaas ng bleachers, asinta nila sa road sa harap namin!
Nakatayo lang ako, litaw na litaw ang itlog ko na pag minalas tamaan eh tiyak ngangalngal na lang ako sa gilid.. sinindihan ko na ang unang smoke flare.
“pay-er in da hol!”
Wwwwssssssssssshhhhhhhhssssshhhh……
Umusok na ang smoke flare, lumagablab na ang pulang kemikal nito at nabalot ng liwanag na pula ang bleachers.. malas, walang hangin.. direcho pataas ang smoke di kami gaano nacoveran!
TATATATAT!
PAK!PA-PAK!PAK PAK PAK!
TATATATATAT!!!
Bakbakan pa din sa lahat ng anggulo..
TAKATAKATAKA-TAK!
Pusang ama! Tinitira na ang bleachers! Pero mataas pa ang asinta nila, sa bubong lahat tumatama!
Sinindihan ko ang pangalawang smoke flare..
Ttttttsssssssssssshhhhhhhhhh……..
Umusok ulit, this time nilamon halos ng usok na puti ang bleachers! Tactical advantage sa amin di kami kita, pero disadvantage din kasi nagsilbi ding cover ang smoke para sa mga kalaban na noo’y kala mo mga Spartans na walang takot na sumusugod!
Ay tatang ni ina! papanik na ako sa itaas! wohooo!!
Walang humpay ang mga ricochet sa bubong ng bleachers!! Dumapa na ako sa pinakataas, katabi si Delta_Tiger na noo’y natataranta na din!
Bakbakan, putukan! Sa jungle, sa kalye, at sa harap namin!
“Men birahin nyo!!” sabi ko kina D02, M03 at P01 na noo’y walang humpay sa pag ganti ng mga putok!
Takbuhan na din sa kalye, natanaw ko ang ilan sa MIISSAF na nakikipag bakbakan-habulan!
“Tanghali naaaa!!!!!” sigaw ng isa sa mga Alpha,, senyales na aatras na sila sa mga posisyon nila!
BABABABABAM!
TATATAT! TATATAT! ADVAAANCEEE!!
Aba bibong-bibo ang mga opfors namin ah. Palibhasa madami kayo! Haha!
HIT!
Tinamaan si D02!
Nakadapa pa din ako sa itaas, ang mga Umpire namin naka takip na ang mga mukha kasi sa amin na ang konsentrasyon ng putukan!
“Ser pahiram ng M14 mo!” sabi ko kay D02..
Inabot sa akin ni M03 ang M14!
Kala nyo ha! Bumanat na ako ng putok mula sa posisyon ko na nakadapa, labas pwet at itlog.
PAK! PAK! PAK!
Hindi ako tumatama putek! Mausok pa din kasi, labo ng visibility!
“Sir sa kanan ayun! Ayun!” nagtuturo na si Delta_Tiger na katabi ko, walang armas.
“Saan?? Saan??” tanong ko na halos sumabog na puso ko sa nerbyos.
“Sa kaliwa naman! Sa kanan! Sa kaliwa! Sa harap ayan o! ayaaaan!!” taranta na din sha!
TATATAT! TATATAT! TATATAT!
Kumana na ako ng burst fires! Wala pa din akong tinatamaan, kahit nakikita ko na mga ulo nila na parang mga ulo ng daga na pinapalo ng malambot na martilyo sa mga arcade at peryahan noon sa Fiesta Carnival sa Cubao dati…
Gumanti ng matinding putok ang mga gwapong Opfors!
HIT HIT HIT!!
Nadale na sina M03 at P01!
Hwala na akong bala!!
May nagbigay sa akin ng bala di ko matandaan kung sino, si san pedro ata yun.. na-loadan ko ng kaunti ang M14, saka ako bumanat ulit!
TATATAT! TATATAT! TATATAT!
Siyet wala pa din akong tinatamaan! Parang nagyelo na sa fog ang ballistic shades ko, wala ng silbi!
TAKA-TAKA-TAKATAK!!!
Patuloy ang kakaibang ricochet!
HIT HIT HIT! HIT NAA!”
Nadale na si Delta_Tiger sa tabi ko! Naligo ng bala, kulang na lang eh sabon.
Kakagigil!! Kitang kita ko na ang mga opfors pero hindi ko tamaan!
POK! PIKT!
2 tama ng punglo ang tumapos sa pantasya ko.. sapul ako.. Hit na, patay na..
HIT NA HIT NA!! pagmamakaawa namin!
Patuloy pa din ang bakbakan sa jungle, may sumabog pang whistle bomb.
BA-GOOOM!!!!
Hiyawan ang mga kolokoy! Para bang tuwang tuwa! Hindi kami tinantanan sa itaas!
TAKA-TAKA-TAKA-TAKATAK!!!
Ricochet pa din!
Doon na akong nagpasyang bumaba, taas ang kamay, labas ang hita.
“Sir hit na kame! Hit na!” sabi ko sa kanila na naka ngiti.. bahagya pang nagtawanan ang mga adik dahil nakita ang kaawa-awa kong itsura..
Aggressive na aggressive ang mga Opfors! Kita na namin silang lahat., tutok ang baril sa mga mukha namin, nagtatakbuhan, sumusgod sa bleachers!
“Sir taas ang kamay! Dito kayo sa gitna!” sigaw ng isa na naka shemagh din..
Hiramin ko kaya shemagh nya hehehe..
“Clear nyo lahat! Sa likod! Sa likod!!” sabi nila..
Angaaas… nakita ko na kung sino ang kumana sa amin.. SPADES. MAG. AI. At iba pa.. susmaryosep.. ang dami. 2 company nga..
Naglitawan na din ang mga tropa ko na nasa bush lines sa loob, mga nadale na din.. pati ang MIISSAF, nadale na din…
Ubos kami.. nakubkob ang aming TPB.. solb, masaya.. grabe.
Pagkatapos ng matinding bakbakan, at ng masigurong wala ng putukan at wala ng natira sa amin, nag –call na ng game over ang mga Umpires..
GAME OVER! CEASEFIRE!
Maliwanag na.. bahagya na ding umaambon pero mahina pa lang..Haay. Ang saya saya. Kahit ubos kami, lumaban kami up to the last man. High morale ang Alpha, tuwang tuwa lahat. Doon ko nakita ang buong pwersa ng mga umatake sa amin.. ang dami pala hahaha!
Kwentuhan, kantyawan, tawanan. Naipon kami lahat sa bleachers..
“sir composite na kayo, a-assault kayo sa Fernandez Hill mamya..” sabi ng isang Umpire na si Dmenace ata yun…
Composite na. meaning, magjojoin forces na kami.. Alpha, Bravo and Charlie company..
Battalion size na..
Nagkalat pa din ang mga tao sa bleacher area.. Alpha, Bravo and Charlie company nagkukwentuhan, biruan, reloading, hydrating, dehydrating, at kung anu ano pa.. nandun na din ang ibang Umpires at evaluators.. 0900hrs ang order sa amin to assault, marami pa kaming oras para mag reorganize…nahiya na ako sa itsura ko kaya nagpasya na akong bumalik sa oto para magbihis… iniwan k muna ang ELBV ko at m4 ko sa bleachers.. magbibihis muna ako..
Nagkaroon ng silbi ang baon kong extra civilian outfit, as per sir Ferdz. Dito ko na pala magagamit hehe.. nagpantalon lang ako, at kupas na green na t-shirt.. pagkabihis, bumalik ako sa bleachers para kunin na ang mga basa at mabibigat kong mga gamit. Pagdating sa bleachers tumambay lang muna ako saglit nag dokyu sa bidyo kung ano nangyari kani kanina lamang.. isinuot ko na din ang basa kong boots pero tuyong medyas na ang isinuot ko…
“ganun din eh.. basa din medyas ko nito…” sabi ko..
“ok lang yan kesa dun sa basa na isusuot mo pa…” sabi ni C07.
Mahapdi na ang paa ko dahil sa pagkakababad.. balak ko kasi mag sinelas na lang sa assault operations pero baka lalo naman malasin ang paa ko kasi di ko alam ang mangyayari, baka sumuot kami sa vegetations na madaming tinik at kung anu ano pang elemento…
Pagkasuot ko ng boots, bumaba na ako bitbit ang mabigat kong gear.. nauna ko ng dinala ang mga basa kong uniporme sa sasakyan namin… pagdating sa oto, nagpasya ako na gamitin na lang ang aking pistol sira an kasi M4 ko, at magmumukha naman akong timawa kung a-assault kami na wala akong ka-armas armas man lamang maski sumpit.
Binaklas ko ang isang canteen, at utility pouch ko saka ko ikinabit sa pistol belt ko. Ikinabit ko na din ang quiapo holster ko, niloadan ng gas ang 2 magasin, at ng mga bala..
Ayos na.
Habang pabalik ako sa oto, tinawag ako ni Lt. Khe na nanduon sa tabi ng kalye kasama ang iba pa..
“Ah sir naiba po ang oras, assault kayo ng 0730hrs instead of 0900hrs, may darating kasi mamyang 1500hrs dapat wala na tayo dito ng ganung time…” sabi sa akin
“copy sir..” sagot ko naman…
Pagbalik ko sa bleachers, armado na ako ng pistola. Agad kong ipinagbigay alam sa lahat na nabago ang oras ng atake namin, mas napaaga.. meron pa kaming kulang 30 minutos para mag plano..
Maya maya pa, tinawag ko na ang mga Company Commanders ng Bravo at Charlie at nagplano na kami ng aming pag atake. Final attack na to for Recondo Milsim FTX.. masigasig na nakinig ang mga kasama ko habang ako’y nagpapaliwanag ng aming istratehiya..
“Alpha will attack the front, getting their full attention. Bravo and Charlie, you go behind them through the dense jungle. Stealth movements, do not attack until you hear our bombs and our signal..” sabi ko..
Ipinaliwanag ko din ang aming mga passwords, at kung gaano kahalaga iyon lalo na sa ganuong kalaking pag atake na hindi maiiwasan ang matinding confusion at pagkataranta na maaring magresulta sa “friendly fires”. nagbigay sila ng mga passwords na maari naming gamitin at nagdesisyon kami kung ano doon ang gagamitin…
Handa na ang lahat. Kita ko sa mga mata nila ang pagkasabik, at kagustuhang matapos ang aming final na mission…kaunting oras na lang ang natitira…
Nagkaayan pang mag photo ops sa may signage ng Special Forces sa kabilang gilid ng kalye. May ilang koponan na din ang mga nagpakuha ng larawan doon bilang souvenir ng exercise na iyon…
“bilisan nyo baka kayo ang atakihin non..” sabi ni Dmenace, Umpire ng Delta Elite.
Bumalik na kami sa bleachers. Nagmamadali..
“Alpha, Bravo and Charlie form!!” command ko.
Bahagya ng umaambon pero mahina pa naman…
Dali-daling nagform ang mga taong nandodoon. Takbuhan pa ang iba na galing pa sa kalye..
Ito na ang pinakamalaking contingent na na-command ko.. sana kayanin namin ito..sana maging solid din ang chain of command at manatili ang disiplina. 2 susi sa isang matagumpay na FTX.
CHAPTER 8
DO OR DIE
0730hrs
Final Assault to Fernandez Hill
Nakatayo ako sa baba ng bleachers, ang Alpha Bravo at Charlie naka formation sa harap ko, sa gitna ng damuhan.. napakadami nila.. tantya ko nasa 70 katao kami. Makulimlim ang umaga.. mamasa-masa ang paligid, umaambon pa din ng bahagya…nahihilo na ako sa antok, gutom at pagod..
Naka attention silang lahat, naghihintay ng sasabihin ko..
Wala akong masabi. Nakakahiya.. nagsindi muna ako ng basang sigarilyo..
Ehem…
Pinaliwanag ko na sa kanila ang itinakda sa aming misyon.. ipinaliwanag ko ang passwords, at ang kahalagahaan nito upang maiwasan kundi man matanggal ang labis na “misencounters” at “friendly fires.”
“They will offer for negotiation or anything. Hindi uso sa atin yun.”
“Do or die tayo dito. Kill em all.”
Naks. Really ha.
Nagformation kami sa gilid ng kalye, sa tapat ng bleachers.. una ang Alpha company, forming 2 lines.. a few meters behind us, 2 lines din ang Bravo at Charlie..
“move out!”
Nagmartsa na kami. Martsa paakyat at patungo sa aming katapusan.. habang nasa gitna ng martsa, lumapit sa akin si Skinny ng MIISSAF..
“Sir, malabo ata ang mangyayari…” sabi nya..
“Ok lang sir, uubra yan..” sabi ko naman sabay ngiti na may bahid pa din ng pagaalinlangan…
“Copy sir..” sabi ni skinny na napakamot na lang..
Malapit na kami sa target.. may ilang sasakyan ang nakaparada sa gilid ng paahon na kalye..
“Hold!”
Tumigil ang lahat maging ang Bravo at Charlie company sa likod namin.. umaambon na. sa kanan namin, ang entrada papasok sa gubat na tutumbok sa likurang bahagi ng Fernandez Hill structure.. sa kaliwa naman, masukal na gubat na tutumbok sa kaliwang bahagi naman ng Fernandez Hill..
“Sir may tao na sa taas!” sabi ng isa sa alpha..
May tao na nga. Nakita na kami sa ibaba.. compro na kami obviously.. pero not Bravo and Charlie.
Tumakbo ako pababa upang ipaalam sa Bravo and Charlie na may mga naka baon na sila sa itaas at nakita na kami, kaya sinabihan ko na sila na pumasok na sa gubat dahan dahan.. kasama na din nila si Sgt. Personal upang i-guide sila sa loob..
Pumasok na sa kanang bahagi ang Bravo Charlie.. bumalik na ako sa alpha..
Palakad lakad ang scout na nasa itaas.. may isinisigaw sila pero hindi namin maintindihan.. pinapasok ko na ang MIISSAF sa kaliwang bahagi ng kalye upang tumbukin naman nila ang kaliwang bahagi ng Fernandez, lalabas na lang sila bigla doon..
“ano? Pakilala na tayo?” tanong ko sa kanila..
“Cge sir!”
Advance!
Gumilid kami, pumasok ng bahgya sa mga bushes.. kita na talaga kami dahil may pumosisyon na sa itaas upang pigilan kaming nasa roadside..
2 linya ang pinwesto namin.. kanan at kaliwa..
“Weapons free!” sabi ko.
Nagsimula na kaming pumutok sa direksyon ng mga nakabantay sa itaas..
TATATAT!
PAPAPAPAK!
PAK PAK PAK!
Hindi kami tumatama.. mashadong malayo..
Advance!
TATATAT!
POK! PAK PAK!
Hindi pa din.
Umaambon na.. bahagya kaming natigil sa pagbakbak sa kanila.. hindi kami umaabot.. nandon pa din ang mga bantay, nagmamasid lang sa amin, hindi pa gumaganti ng putok..
Dahan dahan pa din kami umadvance papalapit.. pinapakiramdaman ko ang galaw ng MIISSAF sa kaliwang bahagi at pinapakiramdaman ko din ang Bravo at Charlie sa kanang bahagi naman…
KA-BOOOOM!!!!
Holy siyet! May sumabog sa kanan! Sa lugar na tinatahak ng Bravo at Charlie coy!
Eh teka, wala naman sila dala bomba? Saka ang bomba, sa amin manggagaling?
Sigawan na sa itaas at sa kanang bahagi! Putukan na sila doon! Nakteteng nadale na ang lokasyon ng Bravo at Charlie coy!
Gumanti na din ng putok ang mga opfors sa harap namin!
TRATATATATATAT!
TATATATAT!
Dapa!
Kami naman!
BRRRRT!! TATATAT!
PAK PAPAPAK!!
Mejo malapit na kami sa itaas. Umaabot na ang bala nila, umaabot na din ang mga bala namin… wala pa din ang MIISSAF, nagkakabakbakan na din sa kanang bahagi kanina pa.
0815hrs
Umaambon na ng mejo malakas.. basa na ang damit ko, pati pistol ko..
“sir nasan ang bomba natin?” tanong ko sa kanila.
“nasa akin sir!” sagot sa akin ni Delta_Tiger ng Delta309..
“kaya mo ihagis sir?” tanong ko
“Yes sir teka..”
Sinindihan nya na ang mitsa.. lumantad sa gitna ng kalye, sabay buong giting na ipinukol pataas patungo sa direksyon ng mga opfors!
“Frag out!!”
Nagtakip na ako ng tenga…
………………………………..
Supot.
Tawanan ang mga nanonood malapit sa mga naka park na kotse..
Nabasa ata ang mitsa!
Patuloy pa din ang bakbakan sa amin, nadale na si D02 at ang iba sa amin!
“Sir may gunner sa kaliwa! Sa harap nyo!” sabi ng mga tao sa kanang bahagi ng road, sina M05, P01 at ilan sa AFK at TAG at Onslaught…
TATATATATATATTATATATATATTAT!!!
Bumabad na sa amin!
Gunner nga. Ipit kami dito,., panay pa din ang tingin ko sa kaliwa ko, umaasa na aahon na ang MIISSAF dahil kailangang kailangan na sila.
Wala pa din..
Sa harap ko si Delta_Tiger, C07 at M05 at si Striker. Di sila maka-advance dahil sa nakabaon na gunner sa harap namin, mga less than 50 meters away, nasa treeline daw..
“AFK! Come here!” sabi ko sa kabila..
Dali daling tumakbo ang 2 sa kanila, at lumapit sa akin..
“Sir, may gunner sa 12 namin.. gapangin nyo, take them from behind.. ingat lang.” bulong ko sa kanila..
Umaksyon sila agad.. dahan dahang ginapang ang likurang bahagi ng treeline ng suspected gunners. Clearing kasi ang likod ng treeline nila, at elevated pa ang posisyon ng gunner..
TATATATATTATATATATATAT!!!
HIT!
Napatay yung dalawa. Nanlulumo na bumalik sa akin..
Ilang minuto din kami pinahirapan ng gunners na yon. Wala pa din ang MIISSAF. Naka ilang sigaw na ako sa kanila, la pa din.. sana umangat sila sa clearing na bahagi dahil tiyak na makikita nila ang gunners at tiyak na matatapos nila ang problema namin…
Ako naman ang dahan dahang pumupuwesto sa likuran ng mga gunners.. hawak ang pistol, lakas ng loob lang ang dala dala ko para mapinpoint maigi ang lokasyon nila.. naririnig ko ang usapan nila, pero wala akong visual..
FPAK! FPAK! FPAK! FPAK!
Pumutok ako ng 4 na beses, sa direksyon ng treeline.. walang kumibo.
Bumalik ako sa orihinal kong pwesto malapit kina M05 at C07..
TATATATATTATATATATATAT!!!
BRRRRRRRRRTTT!! BRRRRRRRRRTTT!!
HIT HIT HIT!
Langya.. inuubos kami. Dapat ng matapos to!
Bumalik ako pagapang sa likuran ng mga tinaguriang “gunners.” Sa kinaluluhuran ko, may isang butas na malalim sa kanan ko.. napapaderan ng buhol buhol na tuyong dayami (damo).. sa harap ko, kita ko ang unang puno na pinagtataguan ng mga gunners..
Biglang sumulpot sa harap ko less 10 meters away ang baril ng opfor!
Patutok na ako ng pistola ko pero naunahan nya ako sa pagtutok!
Dala ng pagkagulat at adrenaline, napa-dive ako sa butas na malaki sa kanan ko para makaiwas sa bala!
PRATATATATATATATATATAT!!!
Naku hindot hootainaaa!!
TIK! TIK TIK TIK TIK!!
Mabait ang diyos sa akin. Hindi ako tinamaan ng unang bugso ng babad!
Nakatihaya na nakatagilid ako sa ilalim ng butas.. isang piye ang distansya sa akin ng gumuguhit na bala mula sa opfor na nakakita sa akin..
BRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRTTTTTTT!!!!
Binababaran pa din ang damo sa ibabaw ng kaliwang paa ko!
“wag kang tatamaan.. wag kang tatamaan…” sa isip isip ko..
Hindi tumama. Nagsasalita ang mga opfor sa wikang Aleman tungkol sa akin, na ayoko ng sabihin pa dito..
Nang makakuha ako ng tyempo, bigla akong tumakbo pabalik sa lugar nina M05 para makaiwas sa mga bala ng opfor na nakasagupa ko. Nandun na si M05 sa ibaba at iginaganti ako ng putok sa lugar kung saan ako tumakbo..
Namalayan ko na lang na nakahalo na ako sa “hit” sa kalye..Kahit hindi pa ako tinatamaan.. umaambon pa din.. nanonood na lang kami ng bakbakang nagaganap..kita na din namin kung pano na-hit sina M03, C07 at P01 at iba pa.. doon na namin inubos ang oras sa pagkakatayo namin sa ilalim ng puno sa gilid ng kalye…
Lumitaw din ang MIISSAF, nagdeploy ng smoke flare dun sa ibaba ng kalye sa harap ng Fernandez Hill, kalye pababa malapit na sa Killhouse.. dun sila lumutang.
“CEASEFIRE! GAME OVER!”
Umalingawngaw na ang “game over” sa Fernandez Hill..
Tapos na ang Recondo FTX. Tapos na ang pagpapanggap namin… tapos na ang pantasya, tapos na ang ilusyon.. kakaibang experience na naman as we always say..
0900hrs
Naipon nang lahat sa structure.. tawanan, kulitan, biruan at walang katapusang kwentuhan.. solb na ang lahat.. umuulan na. basang basa na kami ulit.. natapos na ulit ang isa na naming kabanata sa buhay ng mga adik na mahilig sa Milsim/FTX.. napakabilis na panahon.. parang kailan lang, pinaplano pa lang ang Recondo. Parang kailan lang, kanya kanya pa kami ng diskarte para payagan ng mga asawa at gelpren namin…
Mabilis na ang panahon ngayon.. saglit lang, di mo mamamalayan ang pagtakbo ng oras..
Naubos ang oras namin sa pakalat-kalat sa Fernandez Hill at sa mga kuwentuhan..makailang ulit ko ding hinanap ang nawawala kong TM pistol magazine, na minalas na nalaglag sa init ng bakbakan nung final assault.. hindi ko na nakita pa ang aking magazine. Sayang, orig pa naman yun…
Napansin na din namin na inilalatag na ang ilang mahahabang mesa sa ibaba ng structure na gagamitin sa aming legendary Boodle Fight.
AWARDING CEREMONIES and BOODLE FIGHT
Fernandez Hill
1045hrs
Pumanhik na ang MIISSAF Cavite sa itaas ng Fernandez building para gawaran ng parangal, mula sa Milsim Phils at SFR with Lt. JD Khe and other SF Evaluators.. pero bago ang MIISSAF, may mga nauna na ding koponan ang binigyan ng parangal..
Maya maya pa tinawag na kami sa itaas para sa awarding ceremonies.. per team ang pagtawag..
10 push ups ang ipinataw sa amin ng Milsimphils at nina Lt. Khe. Napakasarap sa pakiramdam na matapos ang isang napakahirap na FTX kagaya ng Recondo.. madami na naman kaming napulot na aral, at madami din kaming nai-share na experiences sa mga first time mag FTX… pagkatapos
namin matanggap ang mga parangal, (patches, certificates) ay bumaba na kami at sumunod naman sa amin ang iba pang koponan para tumanggap din ng parangal..
Sulit na sulit.. bumili na din kami ng Recondo t-shirts para sa souvenir at gayun din ang iba..
Halata na sa lahat ang pagkagutom.. lahat pasulyap sulyap sa mesa, lahat naghihintay. Ako ang hinihintay ko eh ang pagdating ng M35 or KM450 dahil yun na sigurado ang magdadala sa amin ng chibog. At maya maya pa nga, dumating na ang biyaya ng Diyos!
Inilipat na ang mga mesa sa loob ng Fernandez building, tulong tulong, alalayan at mabilis pa sa kisap mata na napalibutan agad ang mga mesa ng mga gutom na manlalaro. Biruin mo naman kasi, byernes pa ng gabi kami nakatikim ng kanin at ng matinong ulam.. Dumating na ang isang batyang kanin.. walang dahon ng saging, kaya’t sa aluminum foil na lang na pinag dugtong-dugtong ang ginamit na pansapin sa basang mesa.. may plastic, at garbage bags na pinag dugtong dugtong din. Tumulong na ako sa paglalatag ng mga pagkain.
Narito ang menu por da day:
Rice
Pansit
Sardines
Chicken Adobo
Scrambled Egg
Nilagang Talong (Boiled Eggplant)
Bagoong (Shrimp paste)
1241hrs
Nakalatag na ang pagkain, nakapako na ang mga mata.. may umaawat dahil yung iba, sumusimple ng kana sa ulam. Haha! Sa gitna, nakatayo na sa bench si Arki at Lt. Khe upang pangunahan ang pagdadasal bago kumain..
SSshhhh… tumahimik lahat.
Arki: “ Thank you, for a well executed event. For keeping us safe,
for keeping us away from harm, and for giving us a chance
to enjoy ourselves, learn something new, and practice our skills..”
Amen?
AMEN!!
Lt. Khe: “READY ON THE RIGHT??”
All: “READY!!!”
Lt. Khe: “READY ON THE LEFT??”
All: “READY!!”
Lt. Khe: “ STANDBYYYYY…..”
Sa pababang kumpas ng mga kamay ni Lt. na parang nag –go signal sa karera, kumarera na agad ang mga kamay ng mga gutom na manlalaro. Kanya kanyang dakot, kanya kanyang subo, may sumusungkit ng paa ng manok doon, may humahalukay ng pansit dito, may nandedekwat ng talong doon, may nagpapala ng kanin dito. Napakasaya. Buhay na buhay ang kapatiran.. saglit pa akong nagbidyo, at di na din ako nakatiis kaya’t pinatay ko na ang camera ko sabay bumaon na ako sa mesa.
Lahat ng iyon, habang bumubuhos ang malakas na ulan, sinasabayan ng mahinang pagkumpas ng malamig na hangin…
Puro higop, nguya, tunog ng nasasamid at nabibilaukan ang madidinig mo sa buong paligid.. may pabugso bugsong tawanan, kantyawan.. punung puno pa ang bibig ko kaya kumalas muna ako sa formation para maka recover.. nung naka recover na ako, back to formation na ulit. Alamat talaga ang MIISSAF pagdating sa Boodle fight. Parang nilampaso ang mesa nila. Makinis. Pero bitin pa din! Hahaha kanya-kanyang lipat sa mas “advantage position” ang iba. Kung saang side na marami pa pagkain, dun sila.
“Huy tumulo ang laway mo sa kanin ko!”
HAHAHAHAHA!!
“That’s brotherhood!” ika ni Ferdz na noo’y tambak din ng kanin ang bibig.
Napakasaya.. ilang minuto lang ang itinagal ng Boodle Fight. May mga umiinom na, may mga pahimas-himas ng tiyan habang nakataas baro pa, may naghuhugas ng kamay sa ulan, at kung anu ano pa…
Bumigat agad ang mga mata ko… heto na ang antok. Pagkatapos makakain at mabusog ng bonggang bongga, eh antok na agad ang nagte-take over sa pagkatao ko. At sigurado, sila din ay ganun. Aba eh mantakin mo naman na halos 2 araw maghapon magdamag na walang pagkain na matino, puyat, basa at bugbog ang katawan tapos papakainin mo agad ng mainit na kanin, at malinamnam na mga ulam kasabay ng malamig na hangin na tila ba eh iduduyan ka patungo sa panaginip?
Tha best.
Nakaparada na din ang aming service sa tapat ng Fernandez building. Nagbihis na ang iba, gayun din ang iba pang koponan..umuulan pa din kaya basang basa lahat ang damit ko.. maya maya pa ay nagpasya na din akong magbihis..
Sayang sana, kakana pa kami dapat ng attack boat scenario pero mainly for photo ops na lang din, kaso hindi na uubra ang service namin.. dapat kasi bago mag alas kuwatro ay nasa maynila na kami..
1415hrs
Uwian na.
Maya maya pa, habang bumubuhos pa din ang ulan ay isa isa nang nawala ang mga sasakyan ng mga koponan na nakaparada sa Fernandez Hill.. matapos kong magpalit ng tuyong damit, nagpaalam na kami sa tropa.. mahihigpit na kamayan ang naging paalamanan namin.. makikita ko ulit itong mga ito haha. Ganun naman lagi.. pagkatapos ng operations, ilang buwan lang, magkakasama na naman kayo sa gubat na nilalamok, basa, gutom, pagod at low morale..
“Ingat sir”
Sumakay na ako sa van.. kumpleto na kami. Bakas sa mukha ang labis na tuwa, pagod at pagkalungkot kasi aalis na kami sa aming “palaruan”… ang lugar kung saan nagsasanay ang ating magigiting na mga sundalo, ang lugar na kung saan ay pwede naming isabuhay ang mga naputol na pangarap…
Inilapat ko ang likod ko sa upuan at ninamnam ang malamig na aircon..
“isalang na yan, manong!”
Sino nagsabi nun? Isalang na daw ang nabitin na palabas nung madaling araw pagpasok namin sa gate ng Fort Magsaysay.
Hahahaha!
Paglabas namin ng gate ng Fort Mag ay dire-direcho na ang byahe namin.. may mga nakatulog na, may mga tulala, may gising… isa na ako sa mga tulala na minsan tulog minsan gising. Sa bilis ng byahe, nasa Bocaue Exit na naman kami.. dun ulit namin ibinaba si P01 kung saan namin siya sinundo.. pagkatapos nun, ako naman ang bababa sa may Shell sa project 7, tapat ng dating Axis Market na ngayo’y Axis Auto market na. nag sotp over muna kami sa Shell Camachile para mag-cr at mag yosi.. tapos, andar na ulit…
1605hrs
Shell project 7
Umaambon pa din pero mahina-hina na.. ako na ang bababa..
“o pano sir? Ingat kayo ha.. salamat..” sabi ko sa kanila
“ingat din sir thank you thank you..”
Binuksan namin ang likod ng van, at kinuha isa isa ang mga mabibigat kong gamit.. ibinilin ko din kay C07 na paki-check na lang mamya kasi baka nandun lang sa likod ng van yung magazine ko sa pistol…
“Cge sir! Ingat kita kits!”
Umalis na sila.. naiwan akong nakatambak ang mga gamit sa gilid ng Shell.. hinihintay ko si erpats doon para iabot sa akin ang susi ko ng bahay na naiwan ko kina utol.. pagkatapos ko magyosi ng 2 dikit, dumating na si erpats, inabot sa akin ang susi at nasermunan pa ako..
“anak may asawa ka na sana bawas-bawasan mo na yan…” sermon ng aking dakilang ama,,
Ngumiti na lang ako kay erpats dahil wala naman akong maisagot hehehe.. nakitex lang ako sa kanya para kay esmi, at pumara na ako ng taxi para makauwi na sa lovenest namin ni esmi sa tandang sora…
This is life. ![]()
Pagdating ko sa bahay namin, isa-isa ko agad nilinis at isinampay ang mga basa kong gamit habang nangangarap na para pa din akong nasa Fort Magsaysay..
Naiwan ang utak ko doon. Putek.
……………..
In behalf of 8-man Elite Squad, MIISSAF, TAG, AFK, Delta 309, Onslaught and the rest of Alpha Coy, we thank GOD for keeping us safe all throughout the event.
We thank Milsimphils and SFR (A) SOCOM P.A. for giving us Recondo Milsim, we thank you for another unforgettable airsoft experience. We know that it wasn’t easy organizing a large format exercise, specially LRRP. Our salute to you guys..We thank everyone who participated, to our old mistah’s we were happy to have seen you once more in combat, thank you.




